Archdiocese ng Manila, susunod sa GCQ guidelines

SHARE THE TRUTH

 277 total views

August 18, 2020

Inihayag ng Arkidiyosesis ng Maynila na susundin ang bagong panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan sa community quarantine.

Sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte, muling isasailalim sa General Community Quarantine ang Metro Manila at karatig lalawigan o ang mas maluwag na panuntunan ng lockdown kung saan pinapayagan na ang pagbubukas ng ilang establisimiyento at maging ang mga pagtitipon tulad ng religious gatherings ngunit limitado lamang sa tatlumpong porsyento sa kapasidad.

Sa mensaheng ipinadala ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa Radio Veritas, sinabi nitong susundin ng arkidiyosesis ang panuntunan ng GCQ kaakibat ang mahigpit na pagsunod sa mga health protocols upang matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng mga mananampalataya.

“We follow the GCQ guidelines with strict implementations,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Magugunitang naunang magpatupad ng MECQ guideline ang Arkidiyosesis ng Maynila noong ikaapat ng Agosto bilang tugon sa panawagan ng mga medical frontliners na time-out upang mag-recalibrate ng mga hakbang sa pagtugon sa corona virus pandemic.

Sa kabila ng pagluwag ng panuntunan ay patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus na sa kasalukuyang tala ng Department of Health ay umabot na sa mahigit 160, 000 kaso.

Panawagan ng simbahan sa mamamayan na paigtingin ang pagsunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng mga eksperto sa kalusugan upang maiwasan ang pagkahawa mula sa COVID-19.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,936 total views

 8,936 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,580 total views

 23,580 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,882 total views

 37,882 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,653 total views

 54,653 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,134 total views

 101,134 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top