San Isidro Labrador, lay empowerment model

SHARE THE TRUTH

 5,449 total views

Tiniyak ng pamunuan ng San Isidro Labrador Parish – Makiling na gagampanan ang tungkuling ipalaganap ang debosyon ni San Isidro Labrador sa pamayanan.

Ayon kay Fr. Francis Eugene Fadul, Kura Paroko ng parokya na kaakibat ng pagtanggap sa first class relic ng santo ang responsibilidad na ibahagi ito sa pamayanan upang makatulong sa pagpalago ng pananampalataya ng mamamayan.

Kabilang sa mga gagawin ng parokya ang pagbahagi ng buhay ni San Isidro upang higit makilala ang santo at maging huwaran sa pamayanan.

“Receiveing this relic, we also have the responsibility of sharing the devotion, nung nabasa ko ang kanyang buhay yun ang mga nakita ko na si San Isidro is a model of a faithful Christian; He is a model of lay empowerment kahit layko may magagawa ka sa simbahan.” pahayag ni Fr. Fadul sa Radio Veritas.

Matatandaang isa ang parokya ni Fr. Fadul sa dalawang simbahan sa Pilipinas na pinagkalooban ng first class relic ng santo mula sa Real Colegiata Iglesia de San Isidro sa Madrid Spain.

Sinabi ng Pari na bukod sa pagbabasbas ng mga ani na nakagawian sa pista ng santo tuwing May 15 ay pagyayabungin din ng parokya ang kawanggawa sa mga mahihirap at mga manggagawa kasabay ng katesismo tungkol sa mga gawain ni San Isidro Labrador.

“It is now our mission to help these workers and to share with them yung virtues ni San Isidro na hindi lang kayo nagtatrabaho para mabusog ang tiyan kundi yang pagtatrabaho nyo is also a means to become holy.” ani Fr. Fadul.

Ikinagalak ng pari na mapabilang ang parokya sa pinagkalooban ng relikya lalo’t naghahanda ito sa ika – 25 anibersaryo ng pagkatatag sa 2025.

Nagsagawa ng triduo ang parokya para sa mahalagang pagdiriwang ng simbahan na sinimulan noong 2022 kung saan nakabatay ang tema sa tatlong misyon ni Hesus: Pari, Hari at Propeta.

Makabuluhan ang pagdiriwang ng anibersaryo ng parokya lalo’t kasabay ito sa Jubilee Year ng simbahang katolika o ang Year of Hope.

Si San Isidro Labrador ay pumanaw noong November 30, 1172 at naging ganap na santo ng simbahan noong March 12, 1622 kasama nina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, Santa Teresa ng Avila at San Felipe Neri.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 16,949 total views

 16,949 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 59,163 total views

 59,163 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 74,714 total views

 74,714 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 87,966 total views

 87,966 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 102,378 total views

 102,378 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 35,994 total views

 35,994 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top