COMELEC, nagbabala sa paggamit ng digital banking sa vote buying at vote selling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,886 total views

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa paggamit ng digital banking o e-wallet sa vote buying at vote selling para sa papalapit na halalang pambarangay.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudianco, batid ng ahensya ang posibilidad ng digital vote buying kaya higit na pinalawig ng COMELEC sa pamamagitan ng Committee on KontraBigay ang pakikipag-ugnayan sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council.

Inihayag din ni Laudianco sa kanyang panayam sa programang Veritas Pilipinas ang pakikipagtulungan ng COMELEC sa mga nangangasiwa sa mga pangunahing e-wallet sa bansa na G-Cash at PayMaya upang makapaglatag ng naangkop na hakbang kaugnay sa posibilidad ng digital vote buying sa papalapit na halalang pambarangay.

“Alam naman po natin na ang pamimigay ng pera ay hindi na lamang sa pisikal pwede na din pong gamitin ang e-wallet o mga digital banking kaya nga po kasama namin sa Committee on KontraBigay yun pong ating Bangko Sentral ng Pilipinas at ang Anti-Money Laundering Council. Kausap na din po namin siguro banggitin ko na po dito ang Globe po sa kanilang G-Cash pati na rin po ang PayMaya.” Ang bahagi ng pahayag ni Laudianco sa Radio Veritas.

Nilinaw ni Laudianco na sakaling may mapansing kahina-hinalang transaksyon sa naturang mga e-wallet o digital bank tulad ng tinatawag na ‘multiple suspicious transaction’ o paulit-ulit na pagpapadala ng pare-parehong halaga ng pera sa isang lugar ay maaring ipa-subpoena ng COMELEC ang mga digital records ng mga ito upang maimbestigahan at mapanagot kaugnay ng vote buying at vote selling sa halalang pambarangay.

“Alam naman po natin na itong mga platforms na ito ay registered yung mga sender, registered din yung mga recipient kaya kapag po ginamit nila yang mga yan sa pagbenta at pagbili ng boto, kumpleto po ang kanilang digital records pwedeng i-subpeana ng COMELEC po ang mga records na yan. Ang natawag nga po nila diyan ay multiple suspicious transaction kung saan sa isang lugar paulit-ulit halos pare-parehong halaga ng pera at doon sa isang barangay ay napakaraming pinadadalhan na ganyan na mga pera, yan po yung tinututukan natin ngayon.” Dagdag pa ni Laudianco.

Pagbabahagi ng tagapagsalita ng COMELEC, agad na ipadadala ng ahensya ang mga digital records ng mga kahina-hinalang transaksyon sa Philipine National Police at National Bureau of Investigation upang maimbestigahan at mapanagot ang mga patuloy na lumalabag sa vote buying at vote selling na pangunahing election offense sa ilalim ng Omnibus Election Code.

“Kung inaakala nila na mas anonymous yung pagpapadala sa pamamagitan ng G-Cash mas mali po kayo dahil kumpleto po ang digital records ng platforms na yan at kayang-kaya po i-subpoena ng COMELEC at ebidensya po yan ng pamimili ng boto kkung ito’y mako-collect namin po sa ganitong mga bagay.” babala ni Laudianco

Ayon sa tala ng COMELEC, umabot ng 1,226 na mga reklamo ng vote buying ang natanggap ng ahensya noong nakalipas na eleksyong 2022 kung saan bilang tugon ay itinatatag ang bagong Committee on KontraBigay.

Sa bisa ng COMELEC Resolution No. 10946 itinatag at binigyang kapangyarihan ng COMELEC ang Committee on KontraBigay para tutukan ang vote buying at vote selling tuwing halalan sa pamamagitan ng paglalatag at pagpapatupad ng isang maasahan at epektibong sistema ng pag-uulat, pag-iimbestiga, at pag-uusig ng pagbili at pagbenta ng boto bilang pangunahing Election Offense sa ilalim ng Omnibus Election Code na may parusa ng pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon, habang maari ding madisqualify ang isang pulitiko mula sa public office at maaring mawalan ng karapatan na bumoto.

Suportado ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang bagong tatag na Committee against Vote-Buying and Vote Selling upang tuluyan ng mawakasan ang talamak na bilihan at bentahan ng boto tuwing panahon ng halalan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 35,761 total views

 35,761 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 63,766 total views

 63,766 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 81,566 total views

 81,566 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 80,000 total views

 80,000 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 189,785 total views

 189,785 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 1,133 total views

 1,133 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top