3,568 total views
Nagpahayag ng kagalakan ang Diocese of Daet sa pagpapaabot ng personal na pakikiisa at panalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa bansa.
Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, chairman ng CBCP-ECY, pag-asa at katiyakan ng pagmahahal ng Panginoon sa gitna ng mga pagsubok at hamon na dulot ng mga kalamidad ang hatid na mensahe ng Santo Papa sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo partikular na sa Bicol region.
Sinabi ng Obispo na bukod sa tulong pinansiyal at materyal ay nangangailangan rin ang mga biktima ng kalamidad ng moral at spiritual support upang magkaroon ng pag-asa sa pinsalang dulot bagyong Quinta, Super typhoon Rolly at typhoon Ulysses sa bansa.
“We are very glad to receive Pope Francis’ expression of closeness and solidarity. It brings hope and assurance God’s closeness to us, especially to our brothers and sisters who suffer much from the wrath of the recent typhoons. In addition to our material needs, we need the moral and spiritual support to lift our spirits. More than our eyes can see, the moral-spiritual support and bond with the Holy Father and many others, as well as the material support, are a witness to our being Brothers and Sisters, sharing a common humanity.” pahayag ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.
Iginiit ni Bishop Alarcon na ang pakikiisa ni Pope Francis sa pinagdaraanan ng mga Filipinong nasalanta ng kalamidad ay isang tunay na pagsasabuhay ng Fratelli Tutti o ang pagiging magkakapatid ng lahat upang bigyan ng lakas ang mga napanghihinaan ng loob na bumangon at muling makapagsimula.
Tiniyak ng Obispo na malaking bagay ang muling pagpapamalas ni Pope Francis ng presensya ng Panginoon sa kanyang mensahe ng pakikiisa sa mga nasalanta ng kalamidad tulad ng ipadama nito ang habag, awa at pagmamahal sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013.
“Ang maramdaman na kasama natin ang Holy Father ay nagbibigay sa atin ng lakas upang pasanin ang krus at bumangon muli. Indeed, we are Fratelli Tutti, tayong lahat magkakapatid! We are very much grateful to the Holy Father. We remember, ‘he arose in haste’ to be personally with the victims of Typhoon Yolanda –braving the bad weather. We felt his closeness and solidarity. Once again, we feel we are not alone. The presence and assurance of a father is very important for the family, esp. the young, the children, and the most vulnerable.” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon sa pagpapaabot ng Kanyang Kabanalan Francisco ng pagkikiisa at panalangin para sa mga Filipinong biktima ng pananalasa ng magkakasunod na bagyo sa bansa.
Ayon kay Baylon, nawa ang mensahe at taos-pusong pag-aalala ng Santo Papa Francisco sa mga nasalanta ng kalamidad ay pumukaw sa bawat isa upang makibahagi at magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan.
Umaasa rin ang Obispo na mabubuksan ng mensahe ni Pope Francis ang puso ng bawat isa upang magtulungan para sa muling pagsasaayos at pagtatayo ng mga nasalanta ng bagyo.
Ibinahagi ni Bishop Baylon na malaking bagay ang mensahe at panalangin ng Santo Papa Francisco upang mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga biktima ng sunod-sunod na bagyo.
“Deeply grateful & appreciative of the Holy Father’s expression of solidarity & prayers for our people in the midst of this difficult time! May his oneness & sincere concern inspire in us the same spirit of solidarity to work together with renewed hope in our efforts to rebuild and rehabilitate our respective communities. God bless Pope Francis!”pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.
Batay sa tala ng PAG-ASA, ang super typhoon Rolly na nanalasa sa Bicol region ang ikalawang Super Typhoon category na naitala sa Pilipinas kasunod ng Super Typhoon Yolanda na nanalasa sa Eastern Visayas region noong Nobyembre taong 2013.