Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makatarungang PUV Modernization Program

SHARE THE TRUTH

 49,145 total views

Mga Kapanalig, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) “non-negotiable” daw ang consolidation process sa Public Utility Vehicle (o PUV) Modernization Program. Layunin ng consolidation process na bumuo ng kooperatiba o korporasyon ang mga tsuper at operator ng PUVs upang makatanggap sila ng mga subsidiya at pautang mula sa gobyerno na maaaring makatulong sa pagbili nila ng modernong jeep. Pero para sa PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide, ang consolidation ay “pang-aagaw sa mga indibidwal na prangkisa na ang katumbas ay phaseout.” Dagdag pa nila, hindi lang phaseout ng sasakyan ang mangyayari, kundi “phaseout ng kabuhayan.”

Isa ito sa mga pangunahing hinaing ng mga tsuper at operator sa katatapos lamang na strike na inilunsad ng iba’t ibang grupo kamakailan. Nanawagan silang bigyan pa rin ng prangkisa ang mga tsuper at operator kahit hindi sila maging miyembro ng mga kooperatiba o korporasyon. Batay sa huling datos ng LTFRB, 96,000 o 56% ng 170,000 prangkisa ng mga jeep sa bansa ay na-consolidate o napagsama-sama na. Ibig sabihin, halos kalahati pa ng mga tsuper at operator ng jeep sa bansa ang maaaring mawalan ng kabuhayan sa nalalapit nitong deadline sa pagtatapos ng taon. Ayon kay Valenzuela City Second District Representative Eric Martinez, maaaring mag-training sa Technical Education and Skills Development Authority (o TESDA) ang mga tsuper at operator na mawawalan ng hanapbuhay. Bibigyan din sila ng Department of Labor and Employment (o DOLE) ng trabaho pagkatapos ng training. Hindi naman malinaw kung saan kukunin ng pamahalaan ang pondo para suportahan ito.

Patuloy daw na pag-aaralan ng LTFRB ang mga hiling ng PISTON. Ngunit nanindigan ang ahensyang hindi pwedeng tanggalin ang consolidation process. Gagawin na lang daw itong mas simple. 

May mga mungkahi namang bigyan ng mas mahabang panahon ang mga tsuper at operator para maunawaan ang PUV Modernization Program at para matapos ang consolidation process, lalo pa’t marami pang kailangang linawin tungkol sa programa. Halimbawa nito ang kawalan pa rin ng local public transport route plan (o LPTRP) mula sa mga lokal na pamahalaan. Hanggang noong Nobyembre 21, nasa 749 na LGU na ang nakapagpasa ng LPTRP pero 65 pa lamang ang naaprubahan ng LTFRB. 

Ipinaaalala ng mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin ng pamahalaang pagkasunduin ang iba’t ibang interes ng mga sektor. Dapat itong gawin nang hindi isinasantabi ang prinsipyo ng panlipunang katarungan sa pagkamit ng common good o kabutihang panlahat. Sa madaling sabi, responsabilidad ng pamahalaang siguruhing ang mga patakaran at direksyong tinatahak nito ay walang naisasantabing sektor. Ang kabutihang panlahat ay hindi ang mayorya; ito ay ang kabutihan at kaunlaran ng lahat, kasama ng mga nasa laylayan ng lipunan. 

Kaya naman, bagamat maganda ang intensyon ng PUV Modernization Program, kailangang pakinggan ng pamahalaan ang mga tsuper at operator na may ibang mungkahi. Hindi makatarungan kung libu-libong tsuper at operator ang mawawalan ng kabuhayan dahil sa programa. Dapat din siguruhing may sapat na suportang pinansyal ang mga apektado ng programa upang makabili ng modernong jeep. 

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa Mga Awit 37:28, “Iniibig ng Diyos ang makatarungan at hindi pinababayaan ang kanyang mga banal.” Sa gitna ng patuloy na pagdaing ng mga tsuper at operator, samahan natin sila sa hangaring maging makatarungan ang PUV Modernization Program. Maaari natin itong gawin sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga daing at mungkahi, pagbabahagi ng mga ito sa ating mga kakilala, at paghimok sa ating parokyang alamin kung may mga nasasakupan itong mga driver ng jeep na maaaring maapektuhan ng programa. Kung iibigin natin ang makatarungan, hindi tayo mag-aatubiling damayan ang mga isinasantabi. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 18,674 total views

 18,674 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 26,155 total views

 26,155 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 39,295 total views

 39,295 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 45,268 total views

 45,268 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 51,022 total views

 51,022 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 18,675 total views

 18,675 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 26,156 total views

 26,156 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 39,296 total views

 39,296 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 45,269 total views

 45,269 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 51,023 total views

 51,023 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,439 total views

 41,439 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,523 total views

 42,523 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,904 total views

 37,904 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,908 total views

 49,908 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,950 total views

 57,950 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,507 total views

 49,507 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,932 total views

 47,932 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,718 total views

 49,718 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,643 total views

 46,643 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,957 total views

 60,957 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top