Natatanging PWD’s, pinarangalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,029 total reads

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Council for Disability Affairs (NCDA) ang patuloy na pangunguna sa pagsusulong ng kapakanan at ikabubuti ng mga Persons With Disabilties (PWD).

Ipinangako ito sa ikalawang HUSAY Awards ng NCDA na kinikilala ang mga katangi-tanging PWD sa lipunan at paggunita sa International PWD Day tuwing ikatlong araw ng Disyembre.

Ayon kay NCDA OIC-Executive Director Dandy Victa, mananatiling matatag ang pagsuporta ng pamahalaan sa sektor ng PWD upang ipakita at mapalalim ang kaalaman na bagamat may mga kapansanan ay hindi ito balakid ang tagumpay sa buhay.

“Maraming magagawa ang ating mga kababayang may kapansanan, hindi sila naiiba sa mga walang kapansanan kailangan lang sila bigyan ng pagkakataon at oportunidad para makapag-participate, ang PWDs as far as WHO and World bank estimates, they’re part of the bigger market, hindi sila dapat isantabi,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Victa.

Ayon naman kay DSWD Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, sa tulong ng mga kaparehong gawain ay higit na nakikita ng publiko ang kakayahan ng mga PWD.

Higit ring nagpapasalamat si Villar sa mga dumalo higit para sa mga pinarangalan sa HUSAY Awards 2023.

“I hope the entire community will see because of them that Persons with Disabilities, have abilities that they need to look at and that because of their abilities, disabilities are sometimes not seen but because of the awardees today we see that they are competenent, intellegent, very able and we should see those abilities in them,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Villar.

Mula sa 90-nominadong PWD’s sa HUSAY Awards, napili at pinarangalan sina Rex Bernardo, Catherine Talana, Adeline Dumapong, Carolina Catacutan-Sam, Shane Marie Landicho na sa kabila ng kapansanan ay naging inspirasyon sa kapwa PWD.

Ngayong taon, itinalaga ng NCDA ang paggunita sa International PWD Day sa Temang ‘Ang Pagkakaisa at mga hakbang NG, PARA, at KAAKBAY ang mga may Kapansanan’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 7,088 total reads

 7,088 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 42,310 total reads

 42,310 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,794 total reads

 78,794 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,005 total reads

 97,005 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,955 total reads

 180,955 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 21,846 total reads

 21,846 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top