Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makiugnay sa nananangis na kalikasan

SHARE THE TRUTH

 297 total views

“At nakita ng Diyos ang lahat ng Kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti.” (Genesis 1:31) Gayon na lamang, mga Kapanalig, ang tuwa ng Panginoon nang likhain niya ang mundong magbibigay ng buhay sa ating mga tao. Ngunit sa kasalukuyang kalagayan ng ating mga karagatan, kabundukan, kagubatan, at hangin, gayundin ang lahat ng hayop at halamang nakasalalay sa mga ito, malulugod pa kaya ang ating Panginoon? Mamamalas Niya ang epekto ng pagtataas natin sa ating mga sarili habang pinakikinabangan natin ang mga biyaya ng ating daigdig. Malayo na ang narating natin, ngunit sa ating pag-unlad, naiwan natin ang kalikasan.

Ang pagkakalayo natin sa kalikasan ang nais bigyang pansin ng paggunita ngayong araw, Hunyo 5, ng World Environment Day. Ang pagdiriwang na ito na pinangungunahan ng United Nations ay may temang “Connect People to Nature”, “Iugnay ang Tao sa Kalikasan”. Isa itong akmang mensahe para sa marami sa ating wala nang panahong makiugnay sa kalikasan. At may mga simpleng gawaing iminumungkahi sa World Environment Day: ang pamamasyal sa kagubatan, paglalakad sa tabing-dagat, o pagsali sa mga panawagan para pangalagaan ang kalikasan.

Bilang mga nilikhang kawangis at kalarawan ng Diyos at mga nilalang na binigyan ng natatanging tungkuling pangasiwaan ang kalikasan, tayo ngayon ay patuloy na hinahamong harapin ang mga problemang nilikha ng ating pag-abuso sa kalikasan. At hindi lamang ito mangangailangan ng pakikipag-ugnayan sa kalikasan sa pamamagitan ng pamamasyal sa gubat o pagkamangha sa ganda ng karagatan. Nangangailangan ito ng malalim na pagsusuri sa ating mga sarili bilang indibidwal at bilang isang lipunan. Inihabilin sa atin ng Panginoon ang tanang nilikha upang matiyak ang pagkakaisa at katiwasayan sa mundo, ngunit naging mabuti ba tayong mga tagapangasiwa?

Makikita sa mahabang kasaysayan ng tao kung paano natin ginamit ang ating talino upang pakinabangan ang kalikasan at magpatuloy ang buhay dito sa mundo, mula sa layuning magkaroon ng sapat na pagkain at inuming tubig para sa lumalaki nating populasyon hanggang sa pagsugpo sa mga sakit at pagpapanatiling balanse ang ating klima. Ngunit sa lahat ng ito, isinakripisyo natin ang angking dangal ng kalikasan. Ang malawakang pagkakalbo ng ating mga kagubatan upang makapagmina, ang pagkaubos ng mga lupain at wetlands upang patayuan ng mga subdivision, at ang polusyon sa ating hangin at tubig mula sa mga usok ng sasakyan at paggamit ng dinamita sa pangingisda ay ilan lamang sa mga ebidensya ng ating kapabayaan. Ang pagkasira ng ating kalikasan ay bunga ng ating mga makasariling pagpapasiya at maling pagkilos.

Bagama’t kasama natin ang Simbahan sa pagdiriwang sa mga nakakamit ng tao na kaunlaran sa larangan ng agham at teknolohiya, hindi nito isinasawalang-bahala ang paggamit ng tao sa mga ito upang unti-unti ring masira ang sangkatauhan. At malaking bahagi nito ang pagsasalaula sa kalikasan, na salungat sa ganap na kaunlaran ng tao at sa kanyang dignidad. Sa madaling salita, ang pagsira natin sa kalikasan ay pagsira sa sarili natin mismo.

Magandang paalala sa atin ang World Environment Day upang pagnilayan kung gaano na ba tayo kalayo sa kalikasang sumusuporta sa atin. Sa pahayag ng UN para sa pagdiriwang nito, sinabi nitong hindi lamang sa araw na ito tayo maaaring malugod sa karangalan at karikitan ng ating kalikasan. Isa lamang ito sa mga araw na sama-samang ipagdiriwang ng buong mundo ang ganda at yaman ng ating nag-iisang tahanan. Bilang isang lipunan naman, suriin din natin kung paano natin pinangangasiwaan ang ating basura lalo na sa mga lungsod, kung paano iniiwasan ang mapanirang pagmimina at iligal na pangangahoy, at kung paano natin tinitiyak na malinis ang mga ilog, estero, at ang hanging ating nilalanghap. Sa ating munting paraan, mga Kapanalig, balikan natin ang ating ugnayan sa kalikasang nananangis ngunit patuloy pa ring ibinibigay ang ating mga pangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 25,051 total views

 25,051 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 32,387 total views

 32,387 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 39,702 total views

 39,702 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 90,023 total views

 90,023 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 99,499 total views

 99,499 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 25,052 total views

 25,052 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 32,388 total views

 32,388 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 39,703 total views

 39,703 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 90,024 total views

 90,024 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 99,500 total views

 99,500 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 76,595 total views

 76,595 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 82,854 total views

 82,854 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 97,171 total views

 97,171 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 82,538 total views

 82,538 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 70,129 total views

 70,129 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 82,731 total views

 82,731 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 78,044 total views

 78,044 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 82,977 total views

 82,977 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 133,537 total views

 133,537 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 138,696 total views

 138,696 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top