Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malaking ambag ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya,dapat suklian ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

 2,662 total views

Ikinatuwa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang paglago ng personal remittances mula sa mga overseas Filipino workers ng 2.4 billion dollars noong Abril 2016.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng komisyon, umabot rin aniya sa 8.7 milyon ang mga remittances na dumaraan sa bangko na naipapadala ng mga OFWs na nakatutulong hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa ekonomiya ng bansa.

“Napakagandang balita na kung saan tumaas ng 8.7 billion dollars ang remittance. Yan ang dumadaan sa mga remittances sa mga bangko. Subalit, tandaan rin natin na mas malaki pa rin ang padala yung mga uuwi na may pabaon, may binibigay. Malaking tulong ito sa ekonomiya, malaking tulong ito sa bansang Pilipinas,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Gayunpaman, sinabi ni Bishop Santos na kinakailangan ring suklian ng pamahalaan ang pagsusumikap ng mga OFW sa tamang paggamit ng pondo ng bayan na hindi lamang naibubulsa sa korapsyon at katiwalian.

“Dapat ring pahalagahan ng ating gobyerno na ang perang ito ay dapat gamitin sa ekonomiya, sa edukasyon, sa pamilya, sa mga imprastraktura at bantayan natin na ito ay hindi mauwi sa korapsyon at katiwalian,” paghihimok ni Bishop Santos sa pamahalaan.

Base naman sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas, posibleng umabot sa 26 billion dollars ang kabuuang remittances ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat hanggang sa pagtatapos ng taong 2016. Kumpara ito sa 25.7 billion dollars na ipinadala ng mga ofw noong isang taon.

Mahigit pitumpu’t limang porsyento ng cash remittances ay mula sa Amerika, Saudi Arabia, UAE, Singapore, UK, Japan, Qatar, Hong Kong, Kuwait at Germany.

Nauna na ring pinapurihan ng kanuyang Kabanalan Francisco ang kasipagan ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.(Romeo Ojero)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 3,269 total views

 3,269 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 14,753 total views

 14,753 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 30,442 total views

 30,442 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 31,314 total views

 31,314 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 41,441 total views

 41,441 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top