Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malilinis na pangangampanya, panawagan ng ECOWASTE sa BSKE candidates

SHARE THE TRUTH

 8,964 total views

Muling pinaalalahanan ng EcoWaste Coalition ang mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na panatilihin ang kalinisan sa pangangampanya.

Ayon kay EcoWaste zero waste campaigner Ochie Tolentino, sa pamamagitan nito ay maipapakita ng mga kandidato na karapat-dapat silang ihalal sa posisyon sa pagtalima sa mga batas lalo na sa pangangalaga ng kalikasan.

Tinukoy ng grupo ang mga isasagawang miting de avance na inaasahan ang pagdagsa ng mga tao, gayundin ang malilikhang mga basura.

“As the final rallies or miting de avance are expected to draw a large crowd, including beverage and food vendors, organizers should ensure that littering, an offense prohibited by RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act), is controlled and prevented. Please keep your rallies tobacco-free and vape-free, too,” pahayag ni Tolentino.

Hinimok din ng EcoWaste ang mga kandidato na iwasan ang paggamit ng mga paputok at pagpapalipad ng mga lobo dahil maliban sa polusyon ay maaari rin itong magdulot ng power interruption.

Sa mismong araw naman ng eleksyon ay hinihikayat ang paglalagay ng segregated waste bins para sa maayos na pamamahala sa mga basura lalo’t inaasahan ang maraming bilang ng mga botante sa polling precincts.

Dagdag pa ni Tolentino na magandang hakbang din ang pagsasagawa ng post-campaign clean-up ng mga kandidato anuman ang maging resulta ng eleksyon para sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, na sumasalamin sa kanilang pangakong pangangalaga sa kalikasan.

“Finally, please do away with wasteful ‘thank you’ tarpaulins. You can express your appreciation to the electorate and Mother Earth by performing your responsibilities as a public servant to the best of your ability, and by not engaging in corrupt and dirty politics,” ayon kay Tolentino.

Unang pinaalalahanan ng simbahan ang 67-milyong botante sa bansa sa matalinong paghalal sa mga susunod na lider alinsunod sa katangiang matapat, makatarungan at handang itaguyod ang kabutihan ng bawat mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 7,574 total views

 7,574 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 25,907 total views

 25,907 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 43,682 total views

 43,681 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 119,625 total views

 119,625 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 143,375 total views

 143,374 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top