Mamamayan, binalaan ng PHIVOLCS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,692 total views

Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na hindi beripikadong impormasyon.

Ayon sa PHIVOLCS, wala pang teknolohiya sa buong mundo ang makapagsasabi kung kailan at saan mangyayari ang malakas na lindol kaya naman hindi dapat na basta maniwala sa mga kumakalat na impormasyon lalo na social media.

Pinaalalahanan din ng PHIVOLCS ang publiko na huwag basta magpadala o mag-forward ng anumang hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng pagkatakot o pagkalito sa publiko.

“There is NO RELIABLE TECHNOLOGY in the world that can confidently PREDICT THE EXACT TIME, DATE, and LOCATION of large earthquakes. Please AVOID SHARING or BELIEVING messages from UNCONFIRMED and UNRELIABLE sources.” Bahagi ng abiso ng PHIVOLCS.

Giit ng ahensya, mahalagang magkaroon ng tamang kaalaman at sapat na paghahanda upang maging ligtas sa panganib ng malakas na lindol o anumang uri ng kalamidad o sakuna.
Hinikayat din sa tanggapan ang publiko na bisitahin ang official website at social media pages ng DOST-PHIVOLCS para sa mga opisyal na ulat at impormasyon.

“Visit our website and official social media accounts for information. Be Informed. Be Prepared.” Dagdag pa ng PHIVOLCS.

Bukod sa lindol o paggalaw ng lupa, binabantayan rin ng PHIVOLCS ang mga aktibidad ng mga bulkan sa bansa kung saan sa kasalukuyan ay nakataas ang Alert Level 3 ang Bulkang Mayon, nakataas naman ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon, habang nakataas rin ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal at Bulusan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 35,753 total views

 35,753 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 60,069 total views

 60,069 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 95,859 total views

 95,859 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 136,944 total views

 136,944 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 187,811 total views

 187,811 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top