Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, binalaan sa pekeng FB account ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 13,904 total views

Nagbabala sa publiko ang Apostolic Vicariate of Taytay sa Palawan dahil sa pekeng Facebook account gamit ang pangalan ni Bishop Broderick Pabillo.

Nabahala ang bikaryato nang madiskubre ang nasabing social media account na ginamit ang mga larawan ng obispo.

Iginiit ng pamunuan ng bikaryato na wala itong kaugnayan kay Bishop Pabillo o simunang opisyal ng simbahan ng Taytay.

“We have recently discovered a fraudulent Facebook Accounts is misusing the Image of our Apostolic Vicar, Bp. Broderick S. Pabillo, while pretending to be someone else. Please be advised that these accounts are not affiliated with Bishop Pabillo or any of our official social media platforms,” ayon sa pahayag ng bikaryato.

Batay sa pagsiyasat ng bikaryato tatlong kaduda-dudang FB account ang lumabas sa social media platform na pawang walang kaugnayan kay Bishop Pabillo. Apela nito sa mamamayan na magtulungang i-report ang mga nasabing fake accounts upang maiwasang mabiktima ng scam ng mga mapanamantalang indibidwal.

“We need your help if you come across these fake accounts or any suspicious post and doubtful messages, please report it immediately to Facebook. Your quick action can help us stop this harmful behavior and protect our community,” anila. Kamakailan lang ay nagbabarin ang Archdiocese of Cebu laban sa isang pekeng FB account gamit ang pangalan ni Archbishop Jose Palma na ginagamit din sa panloloko.

Muli’t muli ang paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mananampalataya nam aging alerto at maingat sa pakikipag-ugnayan online lalo na sa mga natatanggap ng solicitation letters online gamit ang pangalan ng mga obispo, pari, simbahan o anumang institusyon ng simbahang katolika dahil laganap sa lipunan ang fake accounts.

Sa pag-aaral ng DataReportal nitong 2024 nasa 86.98 million ang internet users sa Pilipinas kung saan nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform sa 86.75 million users.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 853 total views

 853 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 16,942 total views

 16,942 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 54,761 total views

 54,761 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 65,712 total views

 65,712 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 11,904 total views

 11,904 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top