Mamamayan, hinamon ng opisyal ng CBCP na isabuhay “Sapat lifestyle”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,747 total reads

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na paigtingin ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Ito ang mensahe ng obispo kaugnay sa Laudato Si’ Week 2023 mula ika-21 hanggang 28 ng Mayo upang gunitain ang ikawalong anibersaryo ng pagkakalathala sa Ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco para sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship, nararapat na isabuhay ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan upang matugunan ang lumalalang epekto ng climate crisis.

“Sana sa pagdiriwang natin ng Laudato Si’ Week ay mas maisabuhay pa natin ang pangangalaga sa ating daigdig mula sa epekto ng climate crisis. Ito ang nais ipabatid sa atin ni Pope Francis simula nang ipublish ang kanyang encyclical letter para pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Pabillo na kahit sa payak na paraan ay maibabahagi natin sa kapwa ang mga aral mula sa Laudato Si’ tulad ng wastong pagtatapon ng basura, at pagtitipid sa paggamit ng tubig.

Batid ng obispo ang krisis sa basura dahil sa patuloy na paggamit ng single-use plastic, gayundin ang nagbabadyang pagkaubos ng suplay ng tubig dahil sa banta ng El Niño phenomenon.

Ipinaliwanag ng opisyal ng CBCP na maaari itong maiwasan kung sisikapin ng bawat isa na isabuhay ang “sapat lifestyle”.

“Kaya mahalaga na sanayin natin ang pagkakaroon ng sapat-lifestyle. Matuto tayong magtipid at iwasan ang pagkonsumo nang labis sa mga hindi makabuluhang bagay,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tema ng Laudato Si’ Week ngayong taon ang “Hope for the Earth. Hope for Humanity”.

Ang Laudato Si’ ang ikalawang ensiklikal na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei, at itinuturing na kauna-unahang ensiklikal patungkol sa wastong pangangalaga sa kalikasan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 21,411 total reads

 21,411 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 4,078 total reads

 4,078 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 44,641 total reads

 44,641 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 72,451 total reads

 72,451 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 120,716 total reads

 120,716 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 142,643 total reads

 142,643 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,111 total reads

 128,111 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top