Mamamayan, hinimok na bantayan ang “railroading” sa panukalang postponement ng Barangay at SK election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 298 total views

Umaasa ang isang election watchdog na hindi maisusulong ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang muling pagkakaantala ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa ika-14 ng Mayo, 2018.

Ayon kay Atty. Rona Ann Ona-Caritos, executive director ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE), bukod sa wala nang sapat na panahon ang mga mambabatas ay wala rin itong katapat na panukalang batas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sa kabila nito, nangangamba naman si Caritos na maaring ‘i-railroad’ ang panukala para maisulong ang kanilang interes.

Sinabi ni Caritos na tila formality lamang ang pagdinig sa Kamara subalit nanaig pa rin ang kagustuhan ng mga mambabatas na ibinbin ang panukala para bigyang daan ang plebesito sa isinusulong din na Charter Change.

Ayon kay Caritos, hangga’t hindi natatapos ang sesyon ay hindi pa nakakatiyak kung matutuloy ba o hindi ang halalan.

“Wary din po ako sa Senado kahit maraming nagsasabi na hindi na kaya sa Senado lalu’t walang counterpart na bill ang mabilis kasing i-adopt na lang ng Senate yung version ng house na sa 2nd Monday of October na lang gagawin ang election so hangga’t hindi nagsasarado ang session next week hindi po tayo talaga nakakasigurado kung tuloy na tuloy ang eleksyon sa Mayo,” ayon kay Caritos.

October 2, 2017 nang lagdaan ng pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng halalan sa Mayo 2018 na nakatakda sana noong Oktubre 2017 na una na ring sinuspinde noong 2016.

Sa kasalukuyan ang mga incumbent barangay officials ay limang taon ng nanunungkulan dahil sa pagpapaliban ng halalan.

Base sa panukala ang nakatakdang halalan sa buwan ng Mayo ay iminungkahing ilipat sa buwan ng Oktubre.

Higit sa 800,000 voters ang nagparehistro para sa nakatakdang 2018 election ayon sa Commission on Elections habang higit naman sa 40,000 ang bilang ng mga barangay sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 14,770 total views

 14,770 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 84,882 total views

 84,882 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 159,497 total views

 159,497 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 239,575 total views

 239,575 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 282,239 total views

 282,239 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top