Simbahan, pinasasalamatan ng WWF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total reads

Pinasalamatan ni Atty. Gia Ibay, Earth Hour National Director at Head ng Climate and Energy Program ng World Wide Fund for Nature Philippines ang Simbahang Katolika at Radyo Veritas sa patuloy na pagsuporta sa programa nitong Earth Hour.

Ayon kay Ibay, sa pamamagitan ng tulong ng simbahan at Radyo Veritas, ay mas naipaaabot sa publiko ang mensahe ng Earth Hour na pagbalik sa payak na pamumuhay, pangangalaga at pagpapanatili sa samu’t-saring buhay ng kalikasan para sa kapakinabangan ng susunod pang henerasyon.

“Once again, thank you so much for supporting Earth Hour throughout the years, Radio Veritas has been a very huge supporter of us and we are very honored and grateful for their support, again we call on them to also support us this year and hopefully to spread the message that we need to connect to earth to go back to the basics and to help our planet to generate itself and hopefully conserve biodiversity and use the movement of Earth Hour to do that.” pahayag ni Ibay sa Radyo Veritas.

Samantala, hinimok naman ni Dumaguete Bishop Julito Cortes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Healthcare ang mga mananampalataya na sa nalalapit na pagdiriwang ng Earth Hour ay sariwain ng bawat isa ang matitinding epekto ng climate change na dinanas ng Pilipinas.

Paliwanag ng Obispo, malaki ang maitutulong ng pagtitipid sa kuryente dahil sa pamamagitan ng Earth Hour ay nababawasan ang konsumo ng elektrisidad sa buong mundo na nakatutulong upang mabawasan rin ang epekto ng pagbabago ng klima.

Dagdag pa ni Bishop Cortes, bagamat sa pagdaraos ng Earth Hour ay naghahari ang dilim sa paligid, nangangahulugan naman ito ng mas ligtas at mas malusog na kalikasan, na siyang pangunahing pakikinabang ng mga tao.

“By turning off our lights for one hour, you and I together with the rest of the world are making the earth darker, darker but safer, darker but healthier. Let us be guarded of our long reign of self-inflicted darkness as an act of retrieving what is basic in our life.” pahayag ni Bishop Cortez sa Radyo Veritas.

Ngayong taon, inaanyayahan ang bawat Filipino na makiisa sa Earth Hour sa pamamagitan ng pagpapatay ng ilang mga electrical appliances.

Gaganapin ito sa ika-24 ng Marso simula alas otso y medya hanggang alas nuebe y medya ng gabi.

Kasabay nito, tatalakayin naman sa espesyal na programa ng Radyo Veritas na “Ang Banal na Oras” ang Epekto ng nagbabagong klima sa pagkalipol ng samu’t-saring buhay sa kalikasan.

Ang espesyal na programa ay mapapakinggan sa ganap na alas otso hanggang alas diyes ng gabi kasama sina Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity at si Rodne Galicha – Country Manager ng Climate Reality Project.

Ngayong 2018 ang ika-11 taon ng pagdiriwang ng Earth Hour, tinatayang umaabot sa 166 Meggawatts ng kuryente ang natitipid sa loob lamang ng isang oras na pagsasagawa ng programa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,387 total reads

 84,387 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,538 total reads

 118,538 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,838 total reads

 153,838 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,107 total reads

 380,107 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,034 total reads

 269,034 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,919 total reads

 36,919 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,811 total reads

 29,811 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top