3,884 total views
Inaanyayahan ng Pondo ng Pinoy ang mamamayan na makiisa sa PASKOLAR campaign.
Ito ay ang donation drive campaign upang makalikom ng sapat na pondong ipangtutustos sa pag-aaral ng mga Pondo ng Pinoy scholars sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.
“Everyone has a role and something to give. Even the smallest contribution—no matter how little or simple, like crumbs—when rooted in love, can create a big impact. With our support, we can bring hope to our youth—the future of our Church and nation—and show them that they are loved and their potential is valued!,” ayon sa mensahe ng Pondo ng Pinoy.
Sa pamamagitan ng kampanya, sa 32-Diyosesis ay magkakaroon ng envelopes na nakatuon sa paglikom ng donasyon para sa PASKOLAR campaign na magsisimula ngayong November 27 hanggang December 15,2024.
Bukod sa mga simbahan kung saan maaring ipaabot ang donasyon ay maari ding magpadala ng donasyon sa pamamagitan ng bank transfers at QR codes na maaring matagpuan lamang sa official Facebook page at website ng Pondo ng Pinoy.
“For nearly 20 years, Pondo ng Pinoy has been committed to empowering young people through education, helping them complete their studies and become future givers of hope and generosity, This Christmas, let us come together to support the PASKOLAR Fundraising Campaign! Our goal: to send more youth to school, helping them fulfill their dreams and experience the fullness of life through education,” bahagi pa ng mensahe ng Pondo ng Pinoy.
Kaugnay nito, nakasaad naman sa ensiklikal ni dating Santo Papa Pope Paul VI na Gravissimum Educationis, mahalagang makamit ng bawat tao edukasyon upang magkaroon ng pagkakataon na mapaunlad ang pamumuhay higit na ang mga komunidad na kanilang kinabibilangan.