Mamamayan, hinimok ng Mindanao Bishop na magpabakuna laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 475 total reads

Hinihikayat ni Diocese of Mati, Davao Oriental Bishop Abel Apigo ang publiko na magpabakuna upang matiyak ang karagdagang proteksyon laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Bishop Apigo, malaki ang maitutulong ng pagpapabakuna, hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi maging sa muling pagbangon ng bansa mula sa krisis na idinulot ng pandemya sa lipunan.

“Hinihikayat ko po kayo na para masugpo natin itong COVID-19 na sana mag-avail tayo sa vaccination para naman makamit natin ang herd immunity. Ito rin ang paraan para matugunan natin at maiahon natin ang ating bayan sa threat ng COVID-19,” bahagi ng pahayag ni Bishop Apigo sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, ibinahagi ni Bishop Apigo na ang Diyosesis ay katuwang ng pamahalaang lungsod ng Mati sa pagbibigay-lunas sa mga nahawaan ng virus sa pamamagitan ng pagpapagamit sa pastoral center nito upang magsilbing COVID-19 Treatment Center.

Maliban dito ay pinahintulutan rin ng lokal na simbahan ang pagpapagamit sa Maryknoll Academy of Cateel na isang Catholic school na pinamamahalaan ng Diyosesis upang maging vaccination facility.

Dalangin naman ng Obispo ang patuloy na paggabay ng Poong Maykapal para sa kaligtasan ng bawat mamamayan at tuluyang kagalingan ng bansa laban sa nakakahawa at nakamamatay na virus.

“We pray fervently for the end of COVID-19… May God bless all of us and may God bless our country that soon COVID-19 would be gone,” dalangin ni Bishop Apigo.

Batay sa tala, bukod sa Diyosesis ng Mati katuwang din ng pamahalaan sa pagsasagawa ng malawakang COVID-19 vaccination program ang mga Diyosesis ng Novaliches; Kalookan; San Pablo, Laguna; Balanga, Bataan; maging ang mga Arkidiyosesis ng Lipa, Cebu at Davao.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,361 total reads

 12,361 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,579 total reads

 13,579 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,094 total reads

 28,094 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,472 total reads

 65,472 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,742 total reads

 96,742 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,182 total reads

 172,182 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,049 total reads

 265,049 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,084 total reads

 74,084 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top