COVID-19, magiging katulad na lamang ng trangkaso, paglilinaw ng isang molecular scientist

SHARE THE TRUTH

 452 total views

Bagama’t posibleng mananatili na ang COVID-19, naniniwala naman ang dalubhasa na maaari nang makapamuhay nang ‘normal’ ang mga tao sa oras na makamit ang ‘herd immunity’ ng pagpapabakuna.

Ito ang inihayag ng Dominican priest na si Fr. Nicanor Austriaco na isang molecular scientist sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na tulad ng ‘flu’ o trangkaso ang COVID-19 sa mga susunod na panahon ay magiging karaniwang virus na lamang na nakakahawa.

‘It’s becoming clear now (that) we will never be able to completely remove COVID-19. But just like flu, if enough people are vaccinated we would be able to live with it. It will become just as ordinary illness that some of us will get sometimes in our life,” ayon kay Fr. Austriaco.

Umaasa rin ang Pari na patuloy ang pagbabakuna sa bansa upang matiyak ang pagbagal ng pagkahawa lalu na ang Delta variant virus.

Ayon sa Pari sa kaso ng Delta variant, kinakailangang mabakunahan ang may 85 porsiyento ng populasyon o ang buong ‘adult population’ ng Pilipinas.

‘What would happen is that, enough vaccination will occur that the rate of spread of the disease specially of the Delta variant it will not become as explosive that will overtake our hospitals,” paliwanag pa ni Fr. Austrico.

Ilang mga parokya na rin ng bawat diyosesis sa buong bansa ang nagsisibling ‘vaccination centers’ upang tulungan ang pamahalaan sa mabilis na pagbibigay ng bakuna bilang pananggalang laban sa sakit.

Sa kasalukuyan ay nasa 12 porsiyento ng populasyon ang nakatanggap ng kumpletong bakuna o kabuuang 13 milyong katao mula sa kinakailangang higit sa 70 milyon bago matapos ang taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIVATIZATION

 1,522 total views

 1,522 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 22,545 total views

 22,545 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 41,517 total views

 41,517 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 74,171 total views

 74,171 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 79,181 total views

 79,181 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-pesos na wage hike, binatikos

 16,505 total views

 16,505 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top