Mamamayan, hinimok ng Obispo na magsuot ng puti bilang paninindigan laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,067 total views

Nanawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mamamayan na magsuot ng puti bilang simbolo ng pagkakaisa at paninindigan para sa malinis at tapat na pamahalaan kasabay ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa September 21, 2025.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang pagsusuot ng puti sa mga Banal na Misa sa darating na Sabado at Linggo ay tanda ng pagkakaisa laban sa katiwalian at pagsasamantala sa yaman ng bayan.

“Let us be bold in expressing our common disgust against plunderers of our Nation,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Bukod dito, hinikayat din ng obispo ang mamamayan na makiisa sa mga isasagawang pagtitipon at kilos-protesta tulad ng “Trillion Peso March” sa EDSA People Power Monument sa Quezon City at “Baha sa Luneta” sa Luneta Park, Manila City upang ipanawagan ang pananagutan sa pamahalaan.

Binigyang-diin ni Bishop Mangalinao na kailangan ang sama-samang pagkilos ng mamamayan upang igiit ang pananagutan, malinaw at tapat na pamamahala, at makatarungang pagkilos mula sa mga halal na opisyal.

“With faith, hope, and charity, let us demand for a country where governance is transparent; leaders are accountable; and justice is served,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Una nang inihayag ng Church Leaders Council for National Transformation—na mangunguna sa Trillion Peso March sa EDSA—na ang layunin ng nasabing pagkilos ay ipanawagan ang pananagutan sa talamak na katiwalian sa pamahalaan, partikular na ang bilyon-bilyong pisong nasayang dahil sa maanomalya at kontrobersiyal na flood-control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kinasasangkutan ng ilang opisyal at contractors.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,037 total views

 28,037 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 201,971 total views

 201,971 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 179,604 total views

 179,604 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 242,708 total views

 242,708 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 260,436 total views

 260,436 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top