Mamamayan, hinimok ng PJPS na makiisa sa “Give Joy on Christmas” project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,718 total reads

Muling inanyayahan ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang bawat isa na magbahagi ng biyaya, kaligayahan at kagalakan sa kapwa lalo’t higit para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa papalapit na pasko.

Ito ang paanyaya ng PJPS na pinamumunuan bilang executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ kaugnay sa panibagong inisyatibo ng organisasyon na tinaguriang ‘Give Joy on Christmas Project’ para sa mga PDLs.

Ayon sa PJPS, ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan na higit na magiging makabuluhan kung ibabahagi din ito sa mga nangangailangan at mga kapos palad tulad ng mga PDLs na kadalasan ay naisasantabi sa lipunan dahil sa kanilang nagawang pagkakamali at kasalanan sa buhay.

“As our hearts are filled with gratitude and excitement for the Christmas season, the joy of giving becomes even more meaningful. We, at the Philippine Jesuit Prison Service Foundation, Inc. (PJPS), are thrilled to extend our warmest greetings and an invitation to join us in the simple initiative Give Joy on Christmas Project.” Ang bahagi ng paanyaya ng PJPS.

Layunin ng proyekto na makapagkaloob ng simpleng handa partikular ng mga spaghetti at fruit salad packages upang mapagsaluhan ng may 34,000 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City para sa darating na noche buena at media noche.

Nasaaad sa official Facebook page at website ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang iba’t ibang mga paraan upang makapagpaabot ng tulong at suporta sa nasabihing programa para makapagbahagi ng biyaya at simpleng kagalakan sa mga PDLs.

Una ng nakapagkaloob ng mga hygiene kits at ointment ang PJPS para sa mga bilanggo bilang paggunita ng 36th Prison Awareness Week noong huling linggo ng Oktubre, 2023.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 24,808 total reads

 24,808 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 47,727 total reads

 47,727 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 84,227 total reads

 84,227 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 304,852 total reads

 304,852 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,065 total reads

 338,065 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top