Mamamayan, hinimok ni Cardinal Advincula na pakinggan ang kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 919 total reads

Hinimok ng arsobispo ng Maynila ang mamamayan na paigtingin ang pakikinig sa kapwa upang malaman ang katotohanan.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagdiriwang ng 56th World Communications Day.

Ikinababahala ng Kardinal ang mga karanasang dulot ng pandemya at ang krisis na dulot ng fake news na nakukuha sa social media.

“Kailangan nating maging matiyaga sa pakikinig dahil sugatan ang mundo dulot ng mahabang pandemya, mahalaga ang pakikinig dahil tila may krisis ngayon kung ano ang paniniwalaan; Hindi na lamang pandemic, may infodemic din,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng arsobispo na bukod sa tainga ay mas mahalagang makinig gamit ang puso upang higit na mauunawaan ang kalagayan ng kapwa.

Batid ni Cardinal Advincula ang iba’t ibang pangyayari sa lipunan na nararapat mapakinggan at mapagtuunan ng pansin kung saan hinamon ang bawat isa na tuklasin at ipalaganap ang mabuting balitang hatid ng Panginoon.

“Mahalagang pangangailangan ng tao ang mapakinggan – “the boundless desire to be heard.” Nararapat na kilalanin ito lalo na sa mga naatasan sa misyon ng paghuhubog at pakikilakbay – mga magulang, guro, pastol, pastoral workers, communication professionals at mga lingkod Bayan, ” ani ng cardinal.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Listening with the Ear of the Heart” na tugma sa motto ng cardinal na ‘Audiam’ na naging batayan din sa isinagawang synodality ng Archdiocese of Manila.

Tinukoy ng opisyal na manhid at marahas ang sinumang hindi marunong makinig sa kapwa.

Ipinaalala ni Cardinal Advincula ang hamon ng Panginoon sa bawat isa na maging mapagpakumbabang tagapakinig upang maibahagi sa pamayanan ang Kanyang salita.

Hinimok nito ang bawat isa na suriin ang mga napakikinggan at itaguyod ang katotohanan sa lipunan.

“Kailangang suriin ang paraan ng pakikinig natin. Kay raming tinig na humihiyaw sa ating paligid. Tiyakin natin na ang tinig ng katotohanan, katuwiran at pag-ibig ang mamayani,” giit ni Cardinal Advincula.

Ibinahagi rin ni Cardinal Advincula ang mensahe ni Pope Francis na nararapat matutuhan ng bawat isa ang mabuting tagapakinig upang maging propetang tagapagpadaloy ng katotohanan.

“Hilingin natin ang biyaya na matutunan ang mapagpakumbabang pakikinig ng Diyos upang mahubog din tayo sa kanyang pamamaraan. Kailangan makinig muna upang maging mga propeta na makapangungusap sa ngalan ng Diyos. Kay ganda ng pamamaraan ng synodality na maririnig ang tinig ng lahat bago pa man magpasya at kumilos. Nangungusap ang Espiritu Santo sa Salita ng Diyos at sa kuwentong-buhay ng bawat kabahagi ng simbahan,” saad pa ng cardinal.

Ipagdiriwang ng simbahan ang World Communication Sunday ngayong May 29 kasabay ng Kapistahan ng Pag-akyat ni Hesus sa langit.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,186 total reads

 4,186 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,113 total reads

 28,113 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,673 total reads

 68,673 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,260 total reads

 95,260 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,526 total reads

 143,526 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,333 total reads

 164,333 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top