Mamamayan, inaanyayahan ng Caritas PH sa “Bike 4 Kalikasan”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,609 total views

Muling inaanyayahan ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang lahat na makibahagi sa bike caravan para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Ito ay ang 2nd Bike 4 Kalikasan ng Caritas Philippines, at isasagawa ngayong taon sa lalawigan ng Batangas bilang bahagi ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation 2023.

Gaganapin ito sa Oktubre 7, 2023 mula alas-kwatro hanggang alas-10 ng umaga sa Montemaria International Pilgrimage and Conference Center sa Ilijan patungo sa Lagadlarin Mangrove Forest Park sa Lobo, Batangas.

Layunin ng 24-kilometrong pagbibisikleta na muling gisingin ang kamalayan ng bawat isa tungo sa pagkilos at pagbabago para sa kalikasan partikular na ang pangangalaga sa Verde Island Passage na itinuturing na center of the center of marine shorefish biodiversity sa buong mundo.

Katuwang ng Caritas Philippines sa inisyatibo ang Catholic Relief Services, Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC), at Lipa Archdiocesan Ministry on Environment (AMen).

Noong nakaraang taon, higit 1,200 volunteer bikers ang nakibahagi sa unang Bike 4 Kalikasan mula Manila Cathedral sa Intramuros patungo sa La Mesa Dam Nature Reserve Eco Park sa Quezon City, at sinundan ng paglulunsad sa Caritas Bamboo Forest Project.

Unang iginiit ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na sa halip na puro salita lamang, mas makabubuting kumilos na at dagdagan pa ang pagsisikap na isulong ang mga adbokasiya para sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 27,994 total views

 27,994 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 56,345 total views

 56,345 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 124,075 total views

 124,075 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 147,226 total views

 147,226 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 215,357 total views

 215,357 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top