Mamamayan, inaanyayahan ng Radyo Veritas na makiisa sa Earth Hour 2023

 1,508 total views

Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang mga kapanalig na makibahagi sa isasagawang special programming ng himpilan bilang pakikiisa sa Earth Hour 2023.

Hinimok din Radyo Veritas-Ang Radyo ng Simbahan ang mga Obispo, Pari, Madre, relihiyoso at relihiyosa sa Earth Hour 2023 sa pamamagitan ng pagpatay ng mga de-kuryenteng kagamitan sa loob ng isang oras sa ika-25 ng Marso.

Bilang bahagi ng Earth Hour campaign, live na mapapakinggan sa Radio Veritas flatforms ang programang “Banal na Oras para sa Kalikasan” at mga kaganapan sa Metro Manila.

Ito ay “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2023 #BiggestHourForEarth” na gaganapin sa March 25 mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi.

Matutunghayan sa programa ang talakayan mula sa mga kinatawan ng makakalikasang grupo na isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan.

Hinihikayat din dito na patayin ang mga ilaw at iba pang kagamitang de-kuryente mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi upang bigyang-pahinga ang daigdig—ang inang kalikasan.

Live din matutunghayan ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagninilay ng iba’t ibang Obispo sa Pilipinas kaugnay sa pagiging mabuting tagapangalaga ng bawat mamamayan sa nag-iisa nating tahanan.

Mapapakinggan ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2023 #BiggestHourForEarth” sa DZRV 846 AM, at mapapanuod sa DZRV 846 facebook page at Veritas TV Skycable channel 211 at Cignal cable channel 313.

Ang programa ng Radyo Veritas ay sa pakikipagtulungan ng World Wide Fund for Nature Philippines, Living Laudato Si’ Philippines, at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox