385 total views
Inaanyayahan ng Archdiocese of Caceres ang mananamapalataya na makibahagi sa 500km [kilometers] for 500 Years Virtual Bike Challenge na bahagi ng patuloy na pagbibigay kamalayan at paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Ayon kay Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, layunin ng nasabing Bike for a Cause na gunitain ang “Year of Missio Ad Gentes” na nangangahulugan ng paglalakbay patungo sa landas ng Panginoon.
Ipinaliwanag ng Arsobispo na ang paglalakbay kasama ang mga kaibigan at kapamilya bilang isang Simbahan ay isa sa mga paraan upang higit na mapalalim ang pananampalataya ng bawat isa makalipas ang 500-taon mula ng dumating sa bansa ang pananampalatayang Kristiyano.
“My dear biking enthusiast, I’m happy to welcome all of you to join us in our virtual bike challenge 500 kilometers to celebrate the 500 years of Christianity in the Philippines. This is also to celebrate the Year of Missions and as you know very well mission means journey, we follow the way of the Lord and what could be a very joyful, delightful and reflective way of following the Lord but also through our biking with one another. We bike together as families, bike together as friends and we bike together as a church.”paanyaya ni Archbishop Tirona.
Sinabi ng Arsobispo na layunin rin ng 500km for 500 Years Virtual Bike Challenge na makapangalap ng pondo para sa mga gawain ng arkidiyosesis hindi lamang para sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa kundi maging sa paggunita ng Year of Missio Ad Gentes at Year of St. Joseph ngayong taon.
Gagamitin din ang pondo sa misyon ng Commission on Communication ng arkidiyosesis para sa ebanghelisasyon at ang mga kabataang seminarista na nasa preparatory seminary.
“We’re doing this not just for fun, not to prove that our bicycles are great, not to show how energetic we are but we do this to show our big heart because through this vitual biking of 500 kilometers we’re helping our Commission on Communication for helping our projects for the mission and most especially to help our young seminarians in our preparatory seminary.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.
Maaaring makibahagi ang mga lalahok na mga mananampalataya sa dalawang kategorya ng Virtual Bike Challenge na 500-kilometers at 250-kilometers na magsisimula sa ika-20 ng Marso hanggang ika-22 Mayo.
Bukod sa pagkumpleto sa distansya ng napiling kategorya, isa rin sa mga kinakailangang magawa ng mga kalahok ay ang pagbisita at pananalangin sa kahit isa sa mga parokya o pilgrim churches na itatalaga ng mga diyosesis sa pangangalaga ni San Jose.
Maaaring makilahok sa 500-kilometers for 500 years Virtual Bike Challenge sa pamamagitan ng on-site at online registration mula ika-4 ng Marso habang ika-20 ng Abril.
Para sa iba pang detalye at mga patnubay kaugnay sa nasabing Virtual Bike for a Cause, maaaring bisitahin ang official Facebook page ng Archdiocese of Caceres.