Mamamayan, pinag-iingat ng Lung Center of the Philippines Chaplaincy sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

 1,215 total views

Pinaalalahanan ng Lung Center of the Philippines Chaplaincy ang publiko na panatilihin ang pag-iingat ng kalusugan sa patuloy na banta ng coronavirus disease.

Ayon kay LCP Chaplain, Camillian Father Almar Roman, bagama’t hindi na maituturing na global health emergency, ang COVID-19 ay mananatili pa ring pandemya dahil pa rin sa panganib na kaakibat nito.

Sinabi ni Fr. Roman na mayroon nang sapat na kaalaman ang publiko upang makaiwas sa nakakahawa at nakamamatay na virus dahil na rin sa mga programa kung saan bahagi ang patuloy na information dissemination hinggil sa epekto ng COVID-19.

“Most of the global population were already vaccinated. Ang mga healthcare workers ay mayroon ng kaalaman sa paglaban sa virus. Alam na ng mga tao na protektahan ang kanilang sarili mula sa nakakahawang sakit,” ayon kay Fr. Roman sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang inanunsyo ng World Health Organization na hindi na maituturing na global health emergency ang COVID-19 dahil sapat na ang kaalaman ng bawat isa hinggil sa epekto ng virus.

Idinedeklara ang global health emergency kapag ang lahat ng mga bansa sa buong mundo ay dapat magbigay ng atensyon sa kasalukuyang karamdaman na maaaring makaapekto sa kalusugan o buhay ng mga tao.

Ibinahagi naman ng pari ang kasalukuyang kalagayan ng LCP kung saan may ilang COVID-19 patients pa rin ang nagpapagaling ngunit ito’y mild cases na lamang.

Binalikan ni Fr. Roman ang naging karanasan ng LCP sa kasagsagan ng paglaganap ng nakamamatay na virus na bagama’t sentro ng paggamutan ng mga may karamdaman sa baga ay kinapos pa rin ang kapasidad dahil sa dami ng pasyenteng nahawaan ng COVID-19.

“Unlike before or on the onset of this deadly virus, LCP were always overwhelmed and groping on the situations. Ngayon ang mga doktor at paramedic ay handa na para sa sakit na COVID-19, especially, those with underlying disease or with comorbidities,” ayon kay Fr. Roman.

Nangako naman ang LCP Chaplaincy na magiging katuwang ng institusyon tungo sa pagpapalalim ng pananampalataya ng mga pasyente at pamilya nito sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok.

Tagubilin ni Fr. Roman ang patuloy na pananalig upang makamtan ang tunay na kagalingan at pag-asa na nagmumula sa Panginoon.

“Naririyan ang LCP-Pastoral Care Committee na kinabibilangan ng pari at mga kasapi nitong empleyado ng ospital upang mas mapalalim ang kanilang ugnayan sa Diyos at mas lumakas ang pananampalataya; at ito rin ang nagpapalakas sa pisikal na katatayuan ng isang maysakit,” saad ni Fr. Roman.

Magmula nang lumaganap ang COVID-19 sa buong mundo noong 2020, umabot na sa halos 688-milyon ang kabuuang bilang ng mga kaso nito, kung saan higit sa 4.1 milyon ang nagmula sa Pilipinas.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 5,004 total views

 5,004 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 9,249 total views

 9,249 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 16,164 total views

 16,164 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 31,542 total views

 31,542 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 43,966 total views

 43,966 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, umaasang tugunan ng Bayombong-RTC ang petisyon laban sa OGPI

 2,498 total views

 2,498 total views Hinihiling ng opisyal ng Diocese of Bayombong na masusundan pa ang mga hakbang upang mapigilan at mapahinto ang mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya. Ayon kay Diocesan Social Action Director, Fr. Christian Dumangeng, maituturing na tagumpay ang maipasa sa Bayombong Regional Trial Court ang Petition for Certiorari upang bawiin ang Financial or Technical Assistance

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

FTAA sa mining operations ng OceanaGold Philippines, pinababawi

 2,536 total views

 2,536 total views Iginiit ng dating pinuno ng Barangay Didipio sa Kasibu, Nueva Vizcaya na noon pa ma’y marami nang hinaing ang mga apektadong pamayanan dahil sa pinsala ng mining operations ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) sa lugar. Ayon kay dating Didipio Barangay Captain Erenio Bobolla, iba’t ibang resolusyon ang ipinalabas ng kanyang konseho upang tutulan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

OceanaGold Philippines, kinasuhan sa Bayombong RTC

 3,544 total views

 3,544 total views Mariing nanindigan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao upang mahinto ang operasyon ng pagmimina sa Barangay Kasibu, Didipio, Nueva Vizcaya. Ayon kay Bishop Mangalinao, maituturing na ilegal ang Didipio mining operations ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao at pangkalikasan. Ang pahayag ng obispo ay bahagi ng kanyang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Solidarity action laban sa Manila Bay Reclamation Project, isasagawa

 8,125 total views

 8,125 total views Maglulunsad ng mga pagkilos ang simbahang katolika, iba’t ibang denominasyon, at makakalikasang grupo bilang patuloy na panawagang ihinto ang Manila Bay Reclamation Project, at paggunita sa Earth Day 2024. Ito ang People’s Earth Day Gathering to Defend Manila Bay na isasagawa sa Sabado, April 20, 2024 mula alas-dos hanggang alas-5:30 ng hapon. Simula

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Maging environmental warrior, hamon ng Obispo sa mga Senado

 8,154 total views

 8,154 total views Naaalarma na ang opisyal ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mapaminsalang epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, bilang mga katiwala ng daigdig, ang bawat isa’y may pananagutan upang pangalagaan ang kalikasan para sa kapakanan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Rock for Masungi solidarity event, isasagawa sa UP

 5,017 total views

 5,017 total views Magsasagawa ng solidarity event ang Friend of Masungi bilang suporta at panawagan para sa Masungi Geopark Project. Ito ang Rock for Masungi na gaganapin sa Linggo, April 21, 2024 mula alas-singko ng hapon hanggang alas-nuebe ng gabi sa GT Toyota Asian Center Auditorium sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Layunin ng

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Year of Prayer 2024: Paghahanda, tungo sa kabanalan

 5,604 total views

 5,604 total views Naglabas ng liham-sirkular ang Diyosesis ng Imus hinggil sa pagdiriwang ng Year of Prayer 2024. Inihayag ni Bishop Reynaldo Evangelista na napagkasunduan sa ginanap na pagpupulong kasama ang Presbyterial Council ng diyosesis, na ngayong taon ay bibigyang-tuon ang pagpapaigting sa buhay panalangin at kabanalan ng bawat mananampalataya. Ayon kay Bishop Evangelista, paghahanda na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Environmental group, sang-ayon na imbestigahan ng Senado ang pagmimina at quarrying sa bansa

 6,129 total views

 6,129 total views Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa epekto ng pagmimina at quarrying sa bansa. Layunin ng Senate Resolution No. 989, ang paghihikayat sa mga mambabatas sa senado na imbestigahan ang malawakang pinsalang dulot ng pagmimina at quarrying sa kalikasan, maging sa buhay ng

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

SOHSPH Inc., kinampihan ang Masungi Georeserve Foundation

 11,421 total views

 11,421 total views Suportado ng Seeds of Hope Society Philippines Inc. (SOHSPH Inc.) ang panawagan ng Masungi Georeserve Foundation laban sa binabalak na pagbawi sa kasunduan para sa Masungi Geopark Project sa Baras, Rizal. Ayon sa grupo, ang planong pagbawi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 2017 Memorandum of Agreement ay magiging dahilan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Legacy ng tinaguriang “dancing doctor”, kinilala ng CBCP-ECHC

 15,781 total views

 15,781 total views Nagpapasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) sa 35-taong paglilingkod ni Department of Health Undersecretary, Dr. Eric Tayag. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Dan Cancino na sa mga nagdaang taon bilang tagapagtaguyod ng kalusugan ay naging malikhain at matapang si Tayag sa pagsusulong ng mga

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

DENR, hinamong pangalagaan ang mga protected area sa bansa

 15,878 total views

 15,878 total views Dapat tiyakin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalawak ng mga layunin ng Masungi Georeserve Foundation sa pangangalaga sa protected area. Ayon kay Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, ito ang mahalagang pagtuunan ng DENR sa halip na ituloy ang planong pagbawi sa 2017 Memorandum of Agreement (MOA) para

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mayor Lacuna, pinakikilos ng EcoWaste sa bentahan ng iligal na skin lightening products

 11,063 total views

 11,063 total views Naniniwala ang EcoWaste Coalition na matutugunan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang laganap na pagbebenta ng ilegal na skin lightening products sa mga pamilihan sa lungsod. Ito’y matapos na ibahagi ng grupo kay Manila City Mayor Honey Lacuna ang mapa na makakatulong upang mapabilis ang pagtukoy sa mga tindahang nagbebenta ng mga ipinagbabawal

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

MOA cancellation ng DENR sa Masungi Geopark Project, tinututulan ng Caritas Philippines

 22,054 total views

 22,054 total views Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang binabalak na hakbang ng DENR ay hindi makatutulong sa layuning pangalagaan ang kalikasan laban sa tuluyang pagkasira. Ang nasabing kasunduan ay ang 2017 Memorandum of Agreement na nilagdaan sa ilalim ng pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez, kasama

Read More »
Photo courtesy: CBCP News
Environment
Michael Añonuevo

Bigyan ng pantay na pagpapahalaga ang kalikasan, panawagan ng Obispo

 23,599 total views

 23,599 total views Nananawagan ang Archdiocese of Capiz na isulong ang pagkakaroon ng balanse o patas na pagbibigay ng halaga sa pagitan ng kalikasan at negosyo. Ayon kay Archbishop Victor Bendico, maraming kagubatan at lupain ang naubos na ang mga punongkahoy dahil mas pinagtutuunan ang pagtatayo ng mga negosyo upang pagkakakitaan. “Maraming bukirin na ang nakakalbo

Read More »
Photo courtesy : PAGASA DOST
Environment
Michael Añonuevo

Matinding init, ganti mula sa pang-aabuso ng tao sa kalikasan

 22,070 total views

 22,070 total views Nababahala si Tagbilaran, Bohol Bishop Alberto Uy hinggil sa lumalalang pag-init ng panahong nararanasan sa buong bansa. Ayon kay Bishop Uy, ang tumataas na temperatura ng kapaligiran ay sanhi ng climate change dahil sa patuloy na pang-aabuso at pananamantala ng tao sa kalikasan. Sinabi ng obispo na ang mga sakuna at kalamidad na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top