Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok na bisitahin ang jubilee church sa Talim island

SHARE THE TRUTH

 13,834 total views

Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bisitahin ang mga simbahan ng Talim Island sa lalawigan ng Rizal lalo ngayong Jubilee Year.

Inilarawan ng obispo na mayaman sa debosyon ang isla at hitik sa likas na yamang handog ng Panginoon sa sangkatauhan na mahalagang masilayan ng mamamayan bukod sa mga naninirahan sa lugar.

“I extend this heartfelt invitation to you to embark on a pilgrimage to Talim Island, a place where nature and faith come together. In the middle of Laguna de Bay lies an island rich in history, devotion, and the enduring presence of God. Talim Island calls us to reflect on our spiritual resolve, to renew our hearts, and to discover the grace that flows abundantly in quiet corners of creation,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sinabi ng obispo na ang lawa ng Laguna De Bay kung saan matatagpuan ang Talim Island ay hindi lamang kamangha-manghang tanawin kundi paalala ng kabanalan ng Diyos na nananahan sa katahimikan ng puso ng bawat isa.

Ang hugis pusong lawa ay paanyaya sa bawat perigrinong pagnilayan ang kalagayan ng puso ng bawat isa na nararapat puspos ng pag-ibig mula sa Panginoon.

Ang dagger-like form na Talim Island ay sumasalamin sa Kalinis-linisang puso ng Mahal na Birheng Maria na nagpapamalas ng pag-ibig sa sangkatauhan at patuloy sa paggabay tungo sa landas ni Hesukristo.

“As pilgrims walk the shores of Talim Island, they are reminded of Mary’s eternal guidance, her unwavering compassion, and her enduring call to deepen our faith. Through the natural beauty and spiritual depth of this place, we are invited to enter into her maternal embrace, finding strength, solace, and inspiration to carry forward in our journey of faith,” dagdag ni Bishop Santos.

Paanayaya ni Bishop Santos sa kristiyanong pamayanan ng Talim Island na ipamana sa mga susunod na henerasyon ang mayamang kultura, tradisyon at higit sa lahat ang pananampalataya sa lugar sa pamamagitan ng tatlong parokya sa isla ang Santo Domingo Parish sa Janosa Binangonan, Our Lady of Lourdes Parish sa Navotas, Cardona, at, San Francisco de Asis Parish sa Habagatan, Binangonan.

Bukod pa rito ang likas na yamang kabundukan tulad ng Mount Tagapo na paalala sa kagandahang loob ng Diyos sa biyaya ng kalikasang pinakikinabangan ng mamamayan.

Aniya sa pagbisita sa isla ay pagnilayan at balikan ang payak na pamumuhay at higit na ipagdiwang ang hitik na pananampalataya at pamana.

“As the Bishop of Antipolo, I extend a heartfelt invitation to each of you to visit Talim Island. Come, immerse yourselves in the beauty of God’s creation, deepen your faith, and experience the warmth of our community. Let the Lake remind you of life’s journey, let the Lady inspire you with her maternal love, and let the Legacy strengthen your sacred commitment,” ani Bishop Santos.

Ang Santo Domingo Parish ay isa sa 14 na mga jubilee churches ng diyosesis kung saan matatamo ang plenary indulgence na ipinagkakaloob ng simbahan ngayong Taon ng Hubileyo alinsunod sa mga alituntunin ng pagtanggap nito tulad ng pagdulog sa sakramento ng kumpisal, banal na eukaristiya, panalangin sa intensyon ng santo papa, pag-usal ng Ama Namin at Credo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 80,128 total views

 80,128 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,903 total views

 87,903 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 96,083 total views

 96,083 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,624 total views

 111,624 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,567 total views

 115,567 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top