Mananampalataya, hinimok na makiisa sa Red Wednesday campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total reads

Inanyayahan ng Aid to the Church in Need (ACN) ang mga mananampalataya na muling makiisa sa Red Wednesday Campaign ngayong ika-28 ng Nobyembre.

Ayon kay Jonathan Luciano, Philippine National Coordinator ng grupo, ang Red Wednesday ay isang prayer campaign na layuning palawakin ang kamalayan ng mga Filipino sa pag-uusig na dinaranas ng mga kristiyano sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Sinabi ni Luciano na hindi lamang mga katoliko ang nakararanas nito kungdi maging ang mga Kristiyano sa ibang denominasyon.

Umaasa ang ACN na sa pamamagitan ng taunang pagsasagawa ng Red Wednesday Campaign ay mamumulat ang mga kristiyano sa kahalagahan ng sama-samang pag-aalay ng panalangin bilang pagpupugay sa mga naging martir at pagsuporta naman sa mga kristiyanong kasalukuyang inuusig.

“Maganda na every year ay magkaroon tayo ng isang araw upang ipanalangin natin ng sabay-sabay bilang isang bansa ang mga kapatid nating kristiyano na pinag-uusig. Hindi lamang po ang mga kapatid nating mga Katoliko kun’di ang mga kristiyanong nabibilang din sa ibang denominasyon kung saan nahihirapan din silang isabuhay ang kanilang pananalig kay Kristo.” Pahayag ni Luciano sa Radyo Veritas.

Ngayong taon sinabi ni Luciano na inaasahang nasa 1,300 ang bilang ng mga simbahan at paaralan sa ilalim ng 38 Diyosesis/Arkidiyosesis sa buong Pilipinas ang makikilahok sa gaganaping Red Wednesday Campaign.

Alas sais y medya ng gabi, ika-28 ng Nobyembre, sabay-sabay na magdadaos ng banal na misa ang mga simbahan at iba pang institusyon, bilang pag-pupugay at alay sa mga inuusig na kristiyano.

Kasunod nito ay ang pagdarasal ng inihandang panalangin para sa mga persecuted Christians sa buong mundo at ang pagsisindi ng pulang ilaw sa mga simbahan at paaralan.

Inanyayahan din ni Luciano ang mamamayan na magsuot ng pulang damit bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya.

Makikita sa website ng ACN Philippines na acn-philippines.org ang listahan ng mga Diyosesis at paaralang lalahok sa Red Wednesday Campaign ngayong 2018.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 58,851 total reads

 58,851 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 107,893 total reads

 107,893 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 155,765 total reads

 155,765 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 259,712 total reads

 259,712 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 342,876 total reads

 342,876 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,042 total reads

 42,042 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,922 total reads

 34,922 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top