Dulang “Panaghoy ng mga Dukha”, itatanghal sa UST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 398 total views

Hinimok ng Kaniyang Kabanalan Francisco ang mga mananampalataya na magnilay at dinggin ang panaghoy ng mga mahihirap sa lipunan.

Ipinaliwanag ni Pope Francis na kinakailangan ang katahimikan sa sarili upang mas higit pang madinig at mauunawaan ang hinaing ng mga mahihirap at buong pusong matugunan ang kanilang pangangailangan.

“We are called to make a serious examination of conscience, to see if we are truly capable of hearing the cry of the poor,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Nangangamba ang Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika na bagamat may inisyatibong pagtugon na ginagawa ang mga mananampalataya ito ay para lamang sa pansariling interes subalit bigong tugunan ang tunay na pangangailangan ng mga dukha.

Binigyang diin ni Pope Francis na pinakikinggan ng Panginoon ang hinaing ng bawat isa lalo na ang mga humaharap sa mga pagsubok sa buhay, nakararanas ng karahasan at kawalang katarungan sa lipunan.

“The Lord listens to the poor who cry out to him; he is good to those who seek refuge in him, whose hearts are broken by sadness, loneliness and exclusion. The Lord listens to those who, trampled in their dignity, still find the strength to look up to him for light and comfort. He listens to those persecuted in the name of a false justice, oppressed by policies unworthy of the name, and terrified by violence, yet know that God is their Saviour.” pahayag ng Santo Papa

Ang panawagan ng Santo Papa ay kaugnay sa nalalapit na paggunita sa Pandaigdigang Araw ng mga Dukha sa ika – 18 ng Nobyembre kung saan tema ngayong taon ang “Let us Hear the Cry of the Poor” bilang pakikiisa sa gawain ni Hesus na kumalinga at nagpapahayag ng pagmamahal sa mga dukha.

Dahil dito, magtatanghal ang Arkidiyosesis ng Maynila ng dulang pinamagatang “Panaghoy ng mga Dukha” sa pangunguna ng mga kabataan ng Most Holy Trinity Parish sa Sampaloc Manila katuwang ang Tanghalang Balic-balic kung saan ipapakita dito ang gawain ng Simbahan na kumakalinga sa mga mahihirap na komunidad.

Gagawin ang pagtatanghal bukas ika – 17 ng Nobyembre sa UST Central Seminary Gymnasium mula ikawalo ng umaga hanggang ikatlo ng hapon.

Read: Second World Day of the Poor

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,753 total views

 28,753 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,367 total views

 103,367 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,446 total views

 183,446 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,585 total views

 226,585 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 225,945 total views

 225,945 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top