Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Tagle na tuluran si Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 401 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na panibaguhin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagtulad kay Maria.

Ayon sa Kardinal, ang kapistahan ng pag-aakyat kay Maria sa langit ay nagtuturo sa mga mananampalataya kung paano nito paninibaguhin ang kanilang buhay patungo sa pagtamasa ng kadakilaan ng Panginoon.

Sa unang puntong ibinahagi ni Kardinal Tagle, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pakikinig sa salita ng Diyos at pagkilos ng naaayon dito, tulad ng ipinamalas ni Maria.

Ayon sa Kardinal, hindi magkakaroon ng tunay na pagbabago sa buhay, ugali, isip at ugnayan sa sambayanang Kristiyano kung makikinig lamang ang mga tao sa dikta ng salita ng kung sino-sino at hindi sa salita ng Diyos.

“Walang tunay na pagpapanibago ng buhay, ugali, pag-iisip at ugnayan sa sambayanang Kristyano kung hindi natin seseryosohin ang salita ng Diyos… pero hindi lang pinakikinggan, sinasampalatayanan [dapat] ikinikilos.” bahagi ng Homiliya ni Kardinal Tagle.

Ikalawang ibinahagi ng Kardinal ay ang kaugnayan ni Maria kay Kristo.

Sinabi ni Cardinal Tagle na nakasentro ang buhay ni Maria kay Hesus kaya nang umakyat si Kristo sa kalangitan ay iniakyat din si Maria sa langit.

Iginiit ng Kardinal na kailangang pahalagahan at pangalagaan ng bawat tao ang kanilag ugnayan kay Kristo dahil ang ugnayang ito ang magliligtas sa mga tao.

Samantala, huling binigyang diin ng Kardinal na kaakibat ng pagsunod sa landas na tinahak ni Maria ay ang paglilingkod sa mga mahihirap, sa mga maliliit at sa mga binabalewala sa lipunan.

Naniniwala ang Kardinal na kung kaugnay ng ating buhay si Hesus ay nararapat na kaugnay din natin ang mga mahihirap sa pamamagitan niya.

Tulad ni Maria, umaasa ang Kardinal na matutularan ng mga mananampalataya ang ipinamalas nitong kababaang loob hindi pagiging mayabang.

“Si Maria lalong pinararangalan, lalong ibinababa ang sarili at nakikiisa sa mga mabababang tao… Habang itinataas siya, inilalapit niya ang kanyang sarili sa mga yagit ng lipunan. Nariyan ang pagpapanibagong buhay ng sambayanan.” bahagi ng Homiliya ni Kardinal Tagle.

Read more: Homilya of Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Kardinal Tagle at Our Lady of the Assumption Parish, Malate Kapistahan ng Pag-aakyat sa langit kay Inang Maria

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 89,210 total views

 89,210 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 132,818 total views

 132,818 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 215,081 total views

 215,081 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 225,262 total views

 225,262 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 312,106 total views

 312,106 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top