Mananampalataya, hinimok ni Pope Francis na makiisa sa LSAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na makiisa sa paggunita sa unang anibersaryo ng Laudato Si’ Action Platform (LSAP).

Inilunsad ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development ang LSAP noong November 15, 2021 upang paigtingin ang layuning pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng ecological conversion at sapat na pamumuhay.

Hango ang konsepto ng LSAP mula sa ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis hinggil sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

“I encourage this mission that is crucial for the future of humanity, so that it may foster in all a concrete commitment to the care of creation,” pahayag ng Santo Papa mula sa kanyang lingguhang Angelus.

Mayroong pitong sektor ang LSAP na kinabibilangan ng sektor ng mga pamilya, mga parokya at mga diyosesis, paaralan, healthcare communities, ekonomiya, iba’t ibang organisasyon at grupo, at ang mga nasa religious orders.

Layunin nito ang sama-samang pagtutulungan ng mga pamayanan tungo sa pagiging mabubuting katiwala ng inang kalikasan upang maisakatuparan ang Seven Laudato Si’ Goals.

Ito ang pagtugon sa hinaing ng mundo; pagtugon sa hinaing ng mga mahihirap; pagbuo sa ecological-sustainable economy; pagtataguyod sa simpleng pamumuhay; pagsuporta sa edukasyong ekolohikal; pagpapalaganap ng ekolohikal na espiritwalidad; at pakikipag-ugnayan at pakikilahok ng mga komunidad.

Nagpapasalamat naman si Pope Francis sa 6,000 indibidwal na nakatuwang at nakibahagi upang maisakatuparan ang paglulunsad sa programa at mas nabigyang-pansin ang mahalagang ambag ng iba’t ibang sektor sa pangangalagsa sa kalikasan.

Samantala, umaasa ang punong pastol ng Simbahang Katolika na magiging mapayapa ang pagdaraos sa 27th United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit sa Sharm El-Sheikh, Egypt.

“I hope that we will make progress, with courage and determination, along the lines of the Paris Agreement,” pahayag ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 84,982 total reads

 84,982 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 116,712 total reads

 116,712 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 218,537 total reads

 218,537 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 259,097 total reads

 259,097 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,014 total reads

 276,014 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 137,766 total reads

 137,766 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top