18,149 total views
Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Liturgy ang mananampalataya sa isasagawang Liturgy Conference 2025.
Isasagawa ang taunang pagtitipon sa April 22 hanggang 24, 2025 sa San Carlos Seminary Auditorium and Layforce Chapel sa Guadalupe Makati City.
Tema ng pagpupulong ang ‘Liturgy: Pledge of Hope and Future Glory’ na hango sa pes Non Confundit (Hope does not disappoint) kung saan itatampok ang liturhiya bilang ‘foretaste’ sa walang hanggang kaluwalhatian.
“Through this gathering, we hope to rekindle our sense of awe in the liturgy as we journey through this Jubilee year of grace,” pahayag ng Manila Archdiocesan Liturgical Commission.
Bukod sa liturgical commission ng arkidiyosesis katuwang din ng CBCP sa gawain ang Saint Paul VI Institute of Liturgy, at ang San Beda University Graduate School of Liturgy.
Sa mga nais dumalo sa pagtitipon magkakaroon ng P1, 500 registration fee para sa conference kit and materials kasama na rin ang pagkain sa tatlong araw na pagpupulong.
“The conference is open to all priests, religious and consecrated persons, lay liturgical ministers, worship coordinators, catechists, and teachers of Christian living and religious education,” anila.
Bukas ang pagpapatala sa liturgy conference hanggang April 5, 2025 kung saan maaring magparehistro sa link na ito: https://bit.ly/litcon2025registration.
Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan sa email address [email protected] o sa telepono bilang +632 8404 3891.