Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalatayang Filipino, hinikayat ang pananalangin para sa kagalingan ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 3,603 total views

Muling hinihikayat ang sambayanang Filipino na makiisa sa pananalangin para sa kalakasan at paggaling ng Santo Papa Francisco.

Ayon kay Fr. Greg Gaston-rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma, si Pope Francis ay kasalukuyang nasa pagamutan dulot ng respiratory infections.

“Let us pray for Pope Francis as he undergoes treatment at the Gemelli Hospital here in Rome for respiratory infections (not Covid). He thanks us all for our prayers and closeness with him in spirit.” ayon kay mensaheng ipinala ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Bagama’t nakakaranas ng hirap sa paghinga, nilinaw naman ng Vatican na ang karamdaman ni Pope Francis ay hindi dulot ng novel coronavirus.

Sa batang edad, bago pa man maging pari ay una ring tinanggalan ng isa sa kanyang ‘baga’ ang Santo Papa dahil sa lung infection, dahailan upang madaling kapitan ng sakit.

Sa pahayag ng Vatican, ipinapaabot ng Santo Papa ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nanalangin para sa kanyang agarang paggaling.

“Pope Francis is touched by the many messages received and expresses his gratitude for the closeness and prayer.” ayon sa pahayag ni Matteo Bruni-spokesperson ng Holy See.

Matatandaan na noong July 2021, una na ring dinala sa pagamutan ang Santo Papa at sumailalim sa colon surgery.

Habang sa nakalipas na dalawang taon ay iniinda rin ng pinunong pastol ng simbahan ang labis na pananakit ng tuhod na madalas nang gumagamit ng tungkod at wheelchair.

Ang 86 na taong gulang na si Pope Francis ay inaasahang magdiriwang ng misa sa Palm Sunday sa April 2 at Easter Sunday sa April 9.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,231 total views

 17,231 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,319 total views

 33,319 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,039 total views

 71,039 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 81,990 total views

 81,990 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,658 total views

 25,658 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 3,699 total views

 3,699 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 23,611 total views

 23,611 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top