Negros Oriental 3rd District, pamamahalaan ni Speaker Romualdez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,073 total views

Pansamantalang pamamahalaan ni House Speaker Martin Romualdez ang 3rd Legislative District ng Negros Oriental dahil sa suspensyon ni Representative Arnolfo Teves.

Ito ay sa bisa ng House of Representative Memorandum circular 19-017 na may petsang March 23.

“In the interest of the people of the 3rd District of Negros Oriental, the undersigned shall act as the Legislative Caretaker of the 3rd District of Negros Oriental for the period 23 March 2023 to 22 May 2023. This order takes effect immediately,” ayon sa memorandum order na nilagdaan ni Romualdez.

Ayon sa kautusan, si Romualdez ang magiging care taker sa loob ng 60-araw, kasabay ng bilang ng mga araw na ipinataw na suspensyon kay Teves dahil sa misconduct.

Si Teves na itinuturong may kinalaman sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo-at nabigong bumalik ng bansa sa kabila ng pagpaso ng travel authority.

Ang suspendidong mambabatas ay huling naiulat na nasa Estados Unidos para magpagamot na tumangging bumalik sa bansa dahil sa sinasabing banta sa kanyang buhay.

Karaniwan nang ang liderato ng kamara ang nagtatalaga ng pansamantalang tagapamahala sa mga distritong walang nangangasiwa dulot ng iba’t ibang kadahilan.

Kabilang din sa sinasaklaw ang kapangyarihan sa pagtatalaga sa gabinete, pagsususpinde at pagpapatalsik ng miyembro.

Sa kasalukuyan ay naka-Lenten break ang mga miyembro ng Kamara hanggang sa May 7.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,180 total views

 46,180 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,049 total views

 42,049 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,251 total views

 78,251 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,986 total views

 86,986 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,398 total views

 112,398 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top