VeritasPH

The Word, The Truth

 406 total views

Mga Kapanalig, bumigay ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa “pressure” mula sa publiko na alisin ang confidential funds sa badyet ng Office of the Vice President (o OVP) at Department of Education (o DepEd) sa 2024. Ito ang paniniwala ng ilan, at sana ay totoo ngang tumalab sa mga kongresista ang pangangalampag ng mga tao.

Sa isang pahayag, sinabi ng House Appropriations Committee na ang hinihinging confidential funds ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ay ililipat sa mga ahensya ng gobyernong nangunguna sa pagtugon sa tensyon sa West Philippine Sea. Kasama sa madadagdagan ng pondo ang National Intelligence Coordinating Agency, National Security Council, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Pero huwag nating kalimutang may confidential at intelligence funds pa rin ang Office of the President. ‘Di hamak na mas malaki iyon kaysa sa hiningi ng bise presidente. Ang hiniling na confidential funds ng OVP ay nasa kalahating bilyon, habang 150 milyong piso naman ang para sa DepEd. Ang Office of the President ay humiling naman ng tumataginting na 10.14 bilyong pisong confidential and intelligence funds! Tandaan nating ang ganitong uri ng pondo ay hindi dumadaan sa masinsing pagbusisi ng Commission on Audit kaya hindi malalaman ng taumbayan kung paano ginagastos ang confidential and intelligence funds.

Kaya manatili pa rin tayong mapagmatyag.

Noong 2022, nagawa nga ng OVP na humingi ng confidential funds mula sa Department of Budget and Management (o DBM). Inaprubahan pa nga ito ng Office of the President. Nagkakahalaga iyon ng 125 milyong piso o kalahati ng aktwal na halagang hiniling ng bise presidente para sa kanyang opisina. Batay sa sulat na ipinadala ng OVP sa DBM, gagamitin ang perang iyon para sa “safe implementation” o ligtas na pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto at gawain sa ilalim ng Good Governance Program ng opisina. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, patuloy ang debate kung naaayon ba sa ating Saligang Batas ang paglalabas ng pondong ito mula sa Office of the President patungong OVP.

Ang mas nakapagtataka pa, nalaman ng COA na ang 125 milyong pisong confidential fund ay ginastos sa loob lamang ng labing-isang araw! Katumbas ito ng 11.3 milyong pisong gastos bawat araw o halos kalahating milyong piso kada oras! Wala namang paliwanag na ibinigay ang OVP, bagay na nagpapatindi sa mga kuwestyon sa pagiging transparent o bukás ng OVP sa pagbusisi sa perang mula sa ating buwis at mula sa utang ng gobyernong babayaran din ng ating buwis.

Maaaring malayo sa bituka ng maraming Pilipino ang usaping badyet. Marami na rin siguro ang tila tanggap na lang na normal na sa ating gobyerno ang katiwalian. Ngunit tandaan sana nating ang perang ipinagkatiwala nating pangasiwaan ng mga ibinoto natin sa gobyerno ay perang pinaghirapan nating lahat. Hindi ito perang gagamitin ng mga nasa gobyerno para sa kanilang kapritso. Para iyon sa mga programa at proyektong dapat pinakikinabangan ng mga Pilipino, lalo na ng mga kapos sa buhay. Ang papel ng gobyerno ay pangalagaan at itaguyod ang common good o kabutihang panlahat, ayon nga sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Kung itinatago sa atin kung saan ginagamit ang pondo ng bayan, paano natin masasabing para sa kabutihang panlahat ang ginagawa ng pamahalaan?

Mga Kapanalig, muli, huwag tayong makakampante sa pag-aalis ng kinukuwestyong confidential funds mula sa ilang ahensya at paglalagak nito sa ibang opisina. Ang mga ganid sa kapangyarihan at tiwali ay katulad ng mga “leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa,” ‘ika nga sa 1 Pedro 5:8. Kaya “maging handa [tayo at magbantay].”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,067 total views

 8,067 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,052 total views

 16,052 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 23,588 total views

 23,588 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 39,574 total views

 39,574 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 47,618 total views

 47,618 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 8,068 total views

 8,068 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 16,053 total views

 16,053 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 23,589 total views

 23,589 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 39,575 total views

 39,575 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 47,619 total views

 47,619 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,678 total views

 45,678 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,103 total views

 44,103 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,889 total views

 45,889 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,814 total views

 42,814 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,128 total views

 57,128 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,818 total views

 60,818 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,421 total views

 59,421 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,408 total views

 69,408 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,376 total views

 73,376 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,263 total views

 84,263 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top