Mangingisda at Magsasaka, binigyang pugay ng Living Laudato Si Philippines

SHARE THE TRUTH

 1,748 total views

Tungkulin ng sangkatauhan na makiisa sa mga magsasaka at mangingisda na paunlarin ang lipunan na may kasamang pinaigting na pagkalinga sa kalikasan.

Makiisa at suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa pagpapaunlad ng ekonomiya na may pagkalinga sa kalikasan.

Ito ang mensahe ni Rodne Galicha – Executive Director ng Living Laudato Si Philippines sa paggunita ngayong buwan ng Mayo bilang National Farmers and Fisherfolks Month.

“Bukod sa pagpapakain sa ating mga mamamayan, ang mga magsasaka at mangingisda ay may malaking papel sa pagpapangalaga ng ating kalikasan at likas na yaman, sila ang nagtatanim at nag-aalaga ng ating mga pananim at hayop upang masiguro ang magandang kalagayan ng ating kalikasan, sa pagpapahalaga natin sa kanilang ginagawa, hindi lamang natin sila tinutulungan kundi pati na rin ang ating kalikasan,” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Galicha sa Radio Veritas.

Hinimok din ni Galicha ang mamamayan sa pagsasabuhay ng mga katuruan na nakapaloob sa Ensilikal ng Kaniyang Kabanalang Francisco na Laudato Si.

Ang agri at fisheries sector ang pangunahing lumilikha ng pagkain upang matiyak na hindi magugutom higit na ang pinakamahihirap na sektor ng lipunan.

“Sa panahong ito ng krisis sa kalikasan at ekonomiya, nararapat na magkaisa tayo upang bigyang pugay at samahan sila sa kanilang laban sa mga puwersang mapang-api, sa ating pagpapahalaga sa kanila, hindi lamang natin sila binibigyan ng sapat na pagkilala kundi pati na rin ang ating nag-iisang tahanan, ang Living Laudato Si’ Philippines ay patuloy na nakikiisa pagpapalaganap ng mensaheng ito,” bahagi pa ng ipinadalang mensahe ni Galicha.

Una ng hinimok ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mamamayan na paigtingin ang pag-unawa at pakikiisa sa mga magsasaka at mangingisda.

Tema ng National Farmers and Fisherfolks Month ang “Magsasaka’t Mangingisdang Pilipino, Saludo ang buong Bansa sa Sipag, Tibay at Lakas niyo”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,123 total views

 14,123 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,643 total views

 31,643 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,219 total views

 85,219 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,460 total views

 102,460 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 116,949 total views

 116,949 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,571 total views

 21,571 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

YSLEP, kinilala ng MOP

 11,041 total views

 11,041 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »
Scroll to Top