Manila Archdiocese, naghahanda sa Local World Youth Day 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,823 total views

Isasagawa ng Archdiocese of Manila Commission on Youth (ACY) ang lokal na pagdiriwang ng World Youth Day sa December 13, 2025, na inaasahang dadaluhan ng mga kabataang delegado mula sa iba’t ibang parokya at organisasyon sa loob ng arkidiyosesis.

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang pagtitipon ay tugon sa panawagan ni Pope Leo XIV na hikayatin ang mga kabataan na maging mas aktibo sa Simbahan sa pamamagitan ng paglabas sa kanilang comfort zone, pagtataguyod ng kapayapaan, at pagiging tapat na saksi ni Kristo sa pamamagitan ng makabuluhang karanasan at ugnayan.

Binigyang-diin ng Kardinal na ang pagdiriwang ay bahagi ng pagtatapos ng Jubilee Year 2025, isang taon na inilaan sa pagbabalik-pananampalataya at pag-asa para sa kabataang Katoliko sa Maynila.

Katuwang ng ACY sa organisasyon ng aktibidad ang Manila Archdiocese Vocations Office at San Carlos Seminary. Idaraos ang buong programa sa San Carlos Seminary Complex sa Guadalupe Viejo, Makati City, mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-otso ng gabi.

Tema ng selebrasyon ang “You also are my witnesses, because you have been with me,” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan 15:27.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat parokya, paaralan, at youth-serving organizations na magpadala ng hindi bababa sa sampung kinatawang kabataan.

Itinakda ang solidarity fee sa P100 kada kalahok, na sasaklaw sa event kits.

Magbubukas ang online registration sa official social media platforms ng ACY-Manila.

Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa ACY Secretariat sa [email protected] o sa (02) 8523-2814 at (02) 8404-3673 mula Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 9,562 total views

 9,562 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 60,246 total views

 60,246 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 66,375 total views

 66,375 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 96,183 total views

 96,183 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 114,768 total views

 114,768 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top