Martial Law extension, pinaboran ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 326 total views

Sang-ayon si Marawi Bishop Edwin Dela Peña sakaling palawigin pa ang martial law, subalit hindi sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ayon sa obispo, ito ay ang kaniyang personal na pananaw para na rin bigyang daan ang rehabilitasyon ng lungsod bunsod ng labis na tinamong pinsala dahil sa limang buwang digmaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Maute-ISIS terrorist.

Giit ng obispo, maaring palawigin ang umiiral na martial law sa mga lugar lamang na may kaguluhan subalit hindi sa buong Mindanao.

Paliwanag pa ni Bishop Dela Peña, payapa ang Zamboanga City na bahagi rin ng Mindanao kung saan matagumpay na naipagdiwang kamakailan ang National Youth Day na dinaluhan ng higit sa 2,000 mga kabataan.

Una na ring ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.

Habang inihayag ng Armed Forces of the Philippines na maari pang palawigin ang batas militar matapos ang Dec. 31 dahil sa nanatiling banta ng terorismo.

“For me it is unwise to put the whole of Mindanao in Martial law but specifically in areas that are in tension,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Si Bishop Dela Peña ang naatasang magbigay ng homiliya sa gaganaping misa para sa #RedWednesday campaign na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabrielle Caccia dakong 5:30 ng hapon ng November 18.

Layunin ng kampanya na imulat ang mga kristiyano hinggil sa nagaganap na pag-uusig sa mga Kristiyano sa buong mundo maging sa Pilipinas.

Sa Marawi, sinabi ni Bishop Dela Peña kapwa nakaranas ng karahasan ang mga kristiyano at Muslim bunsod na rin sa isinusulong ng Muslim extremist na Maute-ISIS na tamang pananampalataya.

“Definitely the fundamentalist, what they did in Marawi in fact was to cleansed Marawi from Christians and secondly of Muslims who do not live up to the true spirit of Islam. So when we talk about persecution here in the context of what happened to Marawi, it is a persecution that has been felt by both Muslims (moderate) and Christians so we see a very interesting situation here where Muslim and Christians suffered, they suffered together,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Ang Marawi ang natatanging Islamic City sa Pilipinas na binubuo ng higit sa 300,000 populasyon kung saan may 90 porsiyento ang mga Muslim.

Sa isang pahayag ng Santo Papa Francisco sinabi nitong hindi ang digmaan ang tugon sa anumang hindi pagkakaunawaan kundi ang payapang pag-uusap lalut kamatayan at pagkasira ang dulot ng kaguluhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,116 total views

 46,116 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,985 total views

 41,985 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,187 total views

 78,187 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,922 total views

 86,922 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,338 total views

 112,338 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top