Martial law sa Sulu, pag-aralang mabuti

Martial law sa Sulu, pag-aralang mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 656 total reads

August 26, 2020

Umapela ang Apostolic Vicariate of Jolo sa mga otoridad na pag-aralang mabuti ang mga hakbang at polisiyang ipatutupad matapos ang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Bishop Charlie Inzon, OMI mahalagang makipag-usap ang mga otoridad sa mga stakeholders ng Sulu bago irekomenda sa pamahalaan ang pagpapatupad ng batas militar sa lugar.

“Maganda consult din muna ang stakeholders: local government, civil society organizations, religious groups, P.O’s to be successful,” pahayag ni Bishop Inzon sa Radio Veritas.

Ito ang tugon ng Obispo sa nais imungkahi ni Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng martial law sa Sulu upang mas mahihigpitan ang pagbabantay sa buong lalawigan.

Matatandaang nitong ika – 24 ng Agosto pinasabog ng mga hinihinalang Indonesian suicide bomber ang bahagi ng Plaza Rizal mag-alas dose ng tanghali habang makalipas ang isang oras isang malakas na pagsabog naman ang naganap isandaang metro ang layo mula sa unang pinangyarihan ng insidente.

Sa tala ng otoridad hindi bababa sa 15 ang nasawi sa magkasunod na pagsabog kabilang na ang walong sundalo, anim na sibilyan at ang hindi pa nakikilalang suicide bomber habang mahigit sa 70 ang nasugatan na karamihan ay mga inosenteng sibilyan.

Iginiit ni Bishop Inzon na mahalaga ang pagtutulungan ng komunidad upang matamo ang pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan lalo na’t ang Sulu ay mayorya ang mga Muslim.

“Community support and cooperation are important,” dagdag pa ni Bishop Inzon.

Una nang nanawagan ng panalangin at pagkakaisa ang obispo sa mamamayan sa lugar at hinimok ang bawat isa na manatiling kalmado sa kabila ng mga pangyayari.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 17,467 total reads

 17,467 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 77,642 total reads

 77,642 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 163,009 total reads

 163,009 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 209,745 total reads

 209,745 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 257,616 total reads

 257,616 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 357,773 total reads

 357,773 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top