Masidhing pananampataya ng mga Pilipino, i-uulat ng Vatican official kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,547 total views

Tiniyak ni Vatican Secretary General of the Synod of Bishops Cardinal Mario Grech ang pagbabahagi at pag-uulat sa Kanyang Kabanalan Francisco ng kanyang mga naranasan at nasaksihan sa katatapos lamang na three-day Philippine Conference on New Evangelization.

Ayon sa Cardinal, lubos na ikaliligaya ng Santo Papa Francisco na malaman kung gaano kasigla ang pagbabahagi ng ebanghelyo ng mananampalatayang Katoliko sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon.

Paliwanag ng opisyal ng Vatican, kahanga-hanga ang kanyang personal na nasaksihan at naranasang sigla at pananabik ng mga delegado ng PCNE na makibahagi sa mga talakayan at pagninilay para sa higit na pagpapaibayo ng Salita ng Diyos.

“Absolutely when I go back to my base and will meet the Holy Father I will report, I will share with him the experience that graciously I am experiencing these days and I’m sure that when the Holy Father gets to know that there is such a ecclesial community so committed to pray to the Lord, to announce the Gospel in the Church, it is something that really gives him joy.” Ang bahagi ng pahayag ni Cardinal Grech sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Cardinal Grech, dahil sa kanyang pakikilahok sa tatlong araw na PCNE X sa University of Santo Tomas mula noong ika-19 hanggang ika-21 ng Enero, 2024 ay mas higit niyang naunawaan at nasaksihan ang masidhing pananampalataya ng mga Pilipino.

Kinilala din ng opisyal ng Vatican ang pambihirang pagsusumikap ng mga pastol ng Simbahan na gabayan at patuloy na pagyabungin ang pananampalatayang Kristiyano sa bansa na naayon sa panawagan Synod on Synodality ng Santo Papa Francisco.

“I knew but now I am more convinced that the talking and the discussions and the prayers we are doing these days are in line with the main objective of the present Synod, why? It is true that the theme of the Synod is for a Synodal Church, but why? A Synodal Church to be prepared for a mission, for evangelization. Perhaps in the past our efforts to evangelize were not so much effective and the results were not as much as we desire because we did not act in a Synodal way because not everyone was engaged, invited, involved in the mission of the Church. So, a Synodal Church is a church that really offers the space for all the baptized so that we can together announce the Gospel to men and women today.” Dagdag pa ni Cardinal Grech.

Tema ng PCNE 10 ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35 na paggunita din sa unang dekada o ika-sampung anibersaryo ng gawain na nagsimula noong 2013 sa pangunguna ng noo’y Arsobispo ng Manila na si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization bilang tugon sa panawagang New Evangelization ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 20,118 total views

 20,118 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 48,123 total views

 48,123 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 65,923 total views

 65,923 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 65,078 total views

 65,078 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 176,076 total views

 176,076 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top