Masusing imbestigasyon sa nasunog na DOH office sa Pagadian city, hiniling ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 827 total reads

Hinihiling ni Diocese of Pagadian Bishop Ronald Lunas na sumailalim sa masusing imbestigasyon ang naganap na sunog sa gusali ng Department of Health Integrated Provincial Health Office sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Naganap ito noong Oktubre 31 kung saan napinsala ang nasa mahigit-100,000 doses ng COVID-19 vaccine matapos na maapektuhan ng sunog ang maintenance at supply area ng gusali.

Sinabi ni Bishop Lunas na lubhang nakakalungkot ang naganap na sunog sapagkat malaki ang epekto nito sa pagkakaantala ng kampanya ng lalawigan upang labanan ang COVID-19.

“The incident is indeed unfortunate. It’s a big loss in the campaign against COVID-19. Around 100,000 vaccines wasted are no joke! My wish is that there will be a thorough investigation on what happened as this concerns the common good,” pahayag ni Bishop Lunas sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, umaasa naman ang Obispo na sa kabila ng naganap na sakuna ay masolusyunan agad ito ng mga kinauukulan upang patuloy pa ring maisagawa ang vaccination program para sa kaligtasan ng mamamayan laban sa pinangangambahang virus.

“I further hope that there will be assistance from agencies concerned for the province of Zamboanga del Sur to continue the vaccination program to protect more people from getting infected by the virus,” saad ni Bishop Lunas.

Nauna nang sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez na agad itong magpapadala ng mga kinakailangang COVID-19 vaccine doses upang maipagpatuloy ang vaccination program sa lalawigan.

Inihayag din ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iimbestigahan din ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naganap na insidente para matingnan ang posibilidad na maaaring sinadya ang sunog.

Batay naman sa ulat ng Bureau of Fire Protection, tinatayang nasa humigit-kumulang 1.5-milyon ang halaga ng mga pinsala at wala namang nasawi o nasugatan sa insidente.

Napinsala naman ang nasa 9,176 na AstraZeneca vaccines, 14,400-Moderna vaccines, 88,938-Pfizer vaccines at 36,164 naman ng Sinovac vaccines.

Kabilang din sa nasunog ang mga bakuna para sa mga sakit na hepatitis, tigdas at polio.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 13,479 total reads

 13,479 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 71,060 total reads

 71,060 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 156,427 total reads

 156,427 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 203,162 total reads

 203,162 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 251,034 total reads

 251,034 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 351,503 total reads

 351,503 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,471 total reads

 170,471 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top