VeritasPH

The Word, The Truth

 806 total views

Homiliya para sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma,

Ika 20 ng Marso 2022, Lukas 13:1-9

Ewan ko kung napansin na ninyo ang isang simbolo ng Diyos sa mga lumang simbahan: isang matang nakadilat na nasa gitna ng isang triyanggulo o sa Tagalog, tatsulok. Alam nyo, dati-rati negative ang reaksyon ko sa simbolong ito. Para bang lagi tayong winawarningan, “Huwag kang pasaway diyan, nakabantay ang Diyos. Kahit saan, kahit kailan nakikita niya ang ginagawa mo.” Para bang ang konsepto ng Diyos ay isang Super-CCTV, na kapareho ng konsepto ng reality TV program na inimbento para sa mga mahilig mag-usyoso sa buhay ng may buhay: BIG BROTHER. “Nanonood si Kuya, hala ka!”

Totoo, pwede mo nga namang bigyan ng ganoong kahulugan ang dilat na mata sa loob ng tatsulok, sumisimbolo baga sa isang Diyos na nakakatakot, parang security guard na di mo nakikita, pero nakikita ka niya. Pero alam nyo, hindi pala ganoon ang orihinal na interpretasyon nito. Sa orihinal nitong pakahulugan sa bibliya, simbolo ito ng Diyos na mahabagin.

Ang kabaligtaran ng larawan ng dilat na mata na laging nakatingin ay ang madalas na gamiting simbolo naman ng Hustisya—isang babaeng may hawak na timbangan pero nakapiring o may takip ang mga mata. Ibig sabihin, “Walang kinikilingan, walang pinapaboran, hustisyang totoo lamang.” Para slogan ito ng isang TV network ano? Haha. Alam natin ang ibig sabihin ng simbolong ito: “Pag guilty, guilty. Parusahan. Ang batas ay batas.”

Pero alam nyo ba, mayroon daw isang estado sa United States, di ko na maalala kung alin, doon daw sa kanilang Court of Justice, ang larawan ng Hustisya ay medyo kakaiba. Isang babae rin na may hawak na timbangan pero hindi siya nakapiring kundi nakatingin. Malinaw din ang ibig sabihin nito. Paano ka nga ba naman huhusga kung di mo alam ang sitwasyon? Di ba kaya nga sa isang democratic legal system meron munang due process ng batas? At bahagi nito ang masusing imbestigasyon bago huhusgahan ang tao kung guilty or not guilty? Sa Russia ngayon, guilty ka kaagad, magsulat ka lang ng mensaheng GIVE PEACE A CHANCE sa isang placard, o magsabing NO TO WAR.

Siguro ito ang dahilan kung bakit nasabi ni Hesus sa kanyang Sermon on the Mount, “Do not judge and you shall not be judged…” Alam din naman niya na bahagi talaga ng buhay ang gamitin natin ang ating pag-iisip para tayo makapagdesisyon nang mabuti o humatol nang tama. Palagay ko ang talagang ibig sabihin ng Panginoon ay, “Huwag magpadalos-dalos sa paghatol kung marami ka pang hindi alam.”

Napaka-importante ng reminder na ito lalo na kung sa desisyon mo nakasalalay ang buhay o kinabukasan ng ibang tao. Isang malaking pananagutan mo sa Diyos kapag nagkamali ka. Obligasyon mo talaga na alisin ang piring na tumatakip sa paningin mo. Ano ang mga iyon? Iyung bias o mga paunang hatol o simpleng haka-haka. Isantabi mo at tumingin kang mabuti.

May warning pa nga ang Panginoon sa ebanghelyo sa mga humahatol nang malupit na walang batayan. Baka daw ipalasap sa atin ng Diyos ang malupit nating panghuhusga sa kapwa kung walang batayan ito. Ganoon ang punto ng sagot niya sa mga nagsasabing “Siguro dumanas ng ganyang pagdurusa ang mga pinaslang ni Pilato at yung mga nabagsakan ng tore sa Siloam dahil makasalanan sila at pinarusahan sila ng Diyos.” Hindi po totoo na lahat ng nagdurusa dito sa mundo ay may kasalanan. Ano ba ang kasalanan ni Hesus, ba’t ipinako siya sa krus? Ano ba ang kasalanan ng isang senadorang hanggang ngayon nakabilanggo pa rin at hindi nalilitis sa korte ang kaso matapos ang apat na taon?

Napakalinaw ng aplikasyon ng ebanghelyong ito sa ating lipunan sa kasalukuyan, lalo na ngayong malapit na naman ang eleksyon. Halimbawa, tinanong ka, “Sino ang iboboto mo?” Sagot mo—“Si ganito.” Tinanong ka, “Bakit, ano ang dahilan?” Sagot mo—“A basta, iyun ang gusto ko e. Respetuhin mo na lang ako.” Iyon ay sagot ng isang taong sarado ang isip. Nakapiring ang mata pero sulong pa rin nang sulong sa dilim.

Kung isang grupo tayo na nakatali sa isa’t isa, pero may kasama kang nakapiring ang mata pero pilit na nagsasabing doon daw sa gawing kanan ang tamang direksyon, at mukhang marami ang gustong sumunod sa kanya na nakapiring din ang mga mata. Ikaw naman dahil lumuwag na ang panyolitong nakatakip sa mga mata mo at nasilip mo na papunta pala kayo sa isang bangin. Hindi mo naman sila masaway dahil hindi nga nila nakikita. So, ano ang dapat mong gawin?

Sasabihin mo ba, “Ok. Bahala ka sa buhay mo. Gusto mo ng respeto edi sige, rerespetuhin ko na lang ang gusto mo. Ganoon ba?” Hindi. Bakit? E nakakabit kayo sa isa’t isa. Pag nahulog sila, hulog ka rin. So ano ang magagawa mo? Edi tulungan mong maalis ang piring na tumatakip sa kanilang mga mata! Ang social media ngayon ang isa sa pinakamabisang pambulag sa maraming mga tao. Pero pwede rin siyang gamitin bilang panggising o pang-mulat.

Ito ang punto ng ating mga pagbasa. Huwag mong hayaang matakpan ang isip mo ng mga paunang hatol. Halimbawa may nagdusang isang tao, huwag mong basta sasabihing siguro deserved niya, siguro may kasalanan siya. Para bang tulad ng epekto ng mga propaganda tungkol sa Ukraine. Mayroon tuloy nagsasabing “Siguro deserved nila ang ginawa ng Russia sa kanila.”

Ang sagot ng Panginoon sa mga taong ganyan mag-isip ay, “Pag hindi mo binago ang pag-iisip mo, baka ipalasap ng Diyos sa inyo ang pagdurusa nila—para maturuan kayo ng liksyon.” Iyon ba ang tinatawag na KARMA? Hindi po. Ang karma, parang automatic justice. Hindi ganyan ang hustisya ng Diyos. Ang hustisya ng Diyos ay hindi nakapiring, may batayan. Hindi siya bulag. Nakadilat ang kanyang mga mata. Nakikita niya ang totoo. Katotohanan ang batayan ng desisyon niya, hindi haka-haka, hindi fake news.

Nakikita ng Diyos ang nakikita ng hardinero sa kuwento ng ebanghelyo. Ang may-ari kasi ng ubasan sa kuwento, isang bagay lang ang nakikita niya: na walang ibinubunga ang fig tree, kaya pinasisibak niya. Ang hardinero, may alam siya na hindi alam ng may-ari—na kulang sa pataba at sa tubig ang fig tree, kaya hindi nagbubunga. Kaya gusto niyang bigyan pa ito ng pagkakataon. Ang habag ay hindi kabaligtaran ng hustisya. Ang habag ay hustisya ng Diyos na nakakakita sa hindi natin nakikita.

Sa ating unang pagbasa ito ang sinasabi ng Diyos kay Moises: “NAKIKITA KO ang paghihirap na nararanasan ng aking bayang inalipin sa Ehipto. NARIRINIG KO ang mga hinaing nila. ALAM KO ang mga pagdurusang pinagdaraanan nila. Kaya bumaba ako para iligtas sila.” Ano ang ginagawa ng Diyos? Dahil pilit tinatakasan ni Moises ang masakit na katotohanan na nakikita niya, binubuksan niya ang kanyang mga mata at tainga.

Kung minsan kasi, kapag masakit ang dating ng katotohanan, parang ayaw nating tumingin o makinig. Minsan pinipili talaga nating magbulag-bulagan o magbigi-bingihan. Minsan ikakatwiran din natin, “Ba’t pa ako makikialam sa buhay ng may buhay? Baka tawagin pa akong pakialamero.” Iyon pala, magkakabit-kabit tayong lahat. Pag nahulog siya, hulog ka rin, hulog tayong lahat sa bangin.

Pag nasaktan siya, masasaktan din tayo. Sabi nga ni San Pablo, ang sambayanan ng mga alagad ay katawan ni Kristo. Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan. Ang ginhawa ng kalingkingan pag gumaling sa sakit, ay ginhawang mararamdaman din ng buong katawan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,580 total views

 1,580 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,566 total views

 17,566 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,611 total views

 25,611 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 30,691 total views

 30,691 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,397 total views

 36,397 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,612 total views

 2,612 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,028 total views

 7,028 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,354 total views

 2,354 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,877 total views

 2,877 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,376 total views

 4,376 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,220 total views

 5,220 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,475 total views

 3,475 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,688 total views

 7,688 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,921 total views

 6,921 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,133 total views

 11,133 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,581 total views

 4,581 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,585 total views

 4,585 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,585 total views

 4,585 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,577 total views

 4,577 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,577 total views

 4,577 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top