Matatag na pananampalataya ng mga Surigaonon sa gitna ng unos, pinuri.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 345 total views

Ipinagpapasalamat ni Surigao Bishop Antonieto Cabajog na nanatili ang matatag na pananampalataya at pag-asa ng mga Surigaonon sa kabila ng pinsala na idinulot ng magnitude 6.7 na lindol sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Bishop Cabajog, patuloy ang pagsusumikap ng mga taga-Surigao na makabawi mula sa takot at pinsala na iniwan ng kalamidad sa kanilang mga buhay.

Sa kasalukuyan ay unti-unting ng bumabangon ang mga naapektuhan ng lindol at ipinagpapasalamat na lamang nila na hindi na ito nagdulot ng mas labis pa na pinsala.

“Noon mahirap bumangon kasi natatakot pa kami tapos may mga aftershocks.. medyo okay na ngayon nakabangon na mga tao unti- unti na rin inuumpisahan ang mga repairs.”ani Bishop Cabajog sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak ng Obispo na magiging aktibo pa ang kanilang Diyosesis sa pagpapalawak ng disaster preparation sa kanilang mga Parokya matapos ang karanasan mula sa naganap na kalamidad.

Samantala, Umaasa si Bishop Cabajog na magkakaroon na ang mga tao ng mas matibay na pagnanais na mapangalagaan ang kalikasan lalo na’t isa sa mga usapin ngayon ang ay ang labis na pagmimina sa kanilang lalawigan.

Naniniwala ang Obispo ng Diocese of Surigao na mas dapat bigyan pansin ang pagpapalakas sa ecotourism habang pinapalakas ang patnubay sa responsableng pagmimina.

“Maganda talaga kung responsible mining para hindi masira ang kalikasan natin yun talaga ang ine-encourage natin we call for alternatives kasi ang Surigao mayaman sa resources, ang ecotourism maganda yun sana ang mapaganda at ma enchance natin.”giit pa ng Obispo.

Magugunitang ika-10 ng Pebrero ng kasalukuyang taon ng makaranas ng magnitdue 6.7 na lindol ang Surigao City kung saan 8 ang nasawi at umabot sa mahigit 600 milyong piso ang halaga ng pinsala sa ari-arian at mga imprastraktura.

Patuloy namang nakaalalay ang Simbahang Katolika sa mga taga-Surigao.

See: http://www.veritas846.ph/simbahan-kaisa-ng-surigaonons-sa-kanilang-pagbangon/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 3,065 total views

 3,065 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 31,070 total views

 31,070 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 48,870 total views

 48,870 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 48,756 total views

 48,756 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 161,269 total views

 161,269 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 73,255 total views

 73,255 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top