Matitipid sa pag-aayuno ngayong Kuwaresma, itulong sa pagpapawalak ng renewable energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,078 total reads

Ipinagpasalamat ng Diocese of San Carlos ang paglalabas ng lokal na pamahalaan sa Negros Occidental ng Executive Order na nagbabawal sa pagtatayo ng mga Coal Fired Power Plant.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, makabuluhan ang kanilang pagkilos na pinangungunahan ng mga kabataan noong ika-6 ng Marso, Miyerkules ng Abo, dahil sa araw ding ito ibinaba ni Gov. Alfredo Marañon, Jr. ang E.O. 1908 Series of 2019 na nagdedeklara sa lalawigan ng Negros Occidental bilang pangunahing pinagmumulan ng Renewable Energy at isang Coal Free Province.

Bumuo din ng Provincial Renewable Energy Council o PREC ang lalawigan ng Negros upang paunlarin pa ang renewable energy facilities ng lalawigan.

Itinuturing itong isang malaking tagumpay ng mamamayan sa Negros at ng simbahan lalo na ngayong Year of the Youth dahil sa aktibong pakikisangkot ng mga kabataan sa mga usaping pangkalikasan na may kaakibat na moral na responsibilidad.

“Very meaningful s’ya [yung year of the youth] saka ash wednesday, nakikita talaga natin na ang Youth pala, usually kapag sinabi nating millenial, generation Z, parang may sariling mundo, very self-referential, walang pakialam. Pero dito pinakita na ang youth sa Negros ay mulat sa mga Social issues, and they want to participate kasi kanilang future ang nakasalalay dito.” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Ngayong panahon ng kuwaresma, nanawagan din si Bishop Alminaza sa mamamayan na mag abstinensya, bawasan, o tuluyan nang itigil ang mga nakagawiang may masamang epekto sa kalikasan.

Sinabi ng Obispo na maaaring isakripisyo ang panonood ng telebisyon, o anumang bagay na makatutulong upang makatipid sa elektrisidad ang bawat bahay.

Inihayag ng Obispo na ang pag-babawas o tuluyan nang hindi paggamit ng plastic ay mabuting paraan ng pagsasakripisyo o pag-abstinensya.

“Halimbawa yung avoiding use of plastics; yung mga alternative na mga pagkain o products na talagang organic na talagang maganda sa kalusugan natin; mga sacrifices pa sa Earth Hour, yung isang oras from 8 to 9 halimbawa sa atin sa Pilipinas, you will sacrifice your favorite telenovela, o kung ano ang nakagawian n’yo around that time, but instead do something that will be worthwhile for the Mother Earth.” Pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Hinimok ni Bishop Alminaza ang lahat na ang natitipid na salapi dahil sa fasting ay maaaring ibigay na tulong upang mapondohan ang renewable energy project sa mga parokya.

“Halimbawa pagnakatipid tayo ng pera dahil nag fasting tayo, sana i-invest natin halimbawa tumulong tayo para magkaroon ng renewable energy fund sa parish. Kasi panawagan namin sa Diocese bawat Parish magkaroon ng green team, ito yung mangangasiwa ng mga projects that will live-out Laudato Si.’’ paala ng Obispo

Noong 2018 iminungkahi ng Kanyang Kabanalan Francisco na isama sa Spiritual Works of Mercy ang pangangalaga sa kalikasan.

Dahil dito, naniniwala si Bishop Alminaza na kinakailangan din ng Simbahan ng masmarami pang tagapagpalaganap ng kasalukuyang sitwasyon sa kalikasan at kung paano makatutulong ang bawat isa upang maprotektahan ang sanilikha.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 19,390 total reads

 19,390 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 55,776 total reads

 55,776 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 96,335 total reads

 96,335 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 121,116 total reads

 121,116 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 169,383 total reads

 169,383 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 189,268 total reads

 189,268 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 26,176 total reads

 26,176 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 19,115 total reads

 19,115 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top