Mayors for Good Governance, tugon sa krisis sa pamamahala sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,929 total reads

Naniniwala si Jesuit anti-corruption crusader Fr. Albert Alejo, SJ na ang inisyatibo at adhikain ng bagong lungsad na Mayors for Good Governance (M4GG) ay isang tugon sa krisis ng pamumuno sa bansa.

Ayon sa Pari, kabilang sa krisis na kinahaharap ng bansa ang krisis sa pamumuno hindi lamang sa larangan ng politika at pamamahala kundi maging sa iba pang sektor sa lipunan.

Inihayag ni Fr. Alejo na napapanahon ang inisyatibo ng mga alkalde na nagsusulong ng laban sa katiwalian at kurapsyon sa pamahalaan upang magkaroon ng ganap na pagbabago sa paraan ng pamamahala sa bansa.

“Masayang masaya ako na mayroong mga ganitong pasisikap kasi nga yung buong bayan natin ang daming pinagdadaanan, tapos may krisis, aminin natin may krisis sa leadership sa lahat ng sektor pati sa Simbahan, so laging naghahanap tayo ng mga inisyatibo, mga indibidwal na nagsisikap magkaroon ng pagbabago talaga sa ating lipunan.” Ang bahagi ng pahayag ni Jesuit Priest Fr. Albert Alejo, SJ sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Pari na hindi lamang basta magpadami ng mga kasaping alkalde ang Mayors for Good Governance sa halip ay higit pang pagtibayin ng tunay na pagsasakatuparan ng misyon at adhikain nitong labanan ang paglaganap ng katiwalian at isulong ang maayos, matapat at marangal na pamamahala sa bansa.

Pangamba ni Fr. Alejo ang pakikibahagi at basta lamang pagpirma ng ibang alkalde sa manifesto upang makisawsaw sa adhikain ng inisyatibo.

Ayon sa Pari, naaangkop lamang ang tuwinang pagtalakay sa usapin at kalagayan ng pulitika sa bansa sapagkat ito ay isang etika na isinasakatuparan at ibinabahagi sa lipunan.
Ang Mayors for Good Governance (M4GG) ay isang cross-party network ng mga local chief executives na may iisang adhikain na maglingkod ng buong tapat sa kanilang tungkulin para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino.

Sa kasalukuyan umaabot na sa mahigit 100 mga alkalde mula sa iba’t ibang mga lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao ang lumagda ng pakikiisa sa Mayors for Good Governance Manifesto.

Pinangungunahan ang Mayors for Good Governance (M4GG) nina Baguio City Mayor Benjamin “Benjie” Magalong, Isabela de Basilan Mayor Sitti Turabin Hataman, Dumaguete City Mayor Felipe Antonio “Ipe” Remollo, Kauswagan Mayor Rommel Arnado, at Quezon City Mayor Joy Belmonte na pawang magsisilbing convenor ng M4GG.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 47,724 total reads

 47,724 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,089 total reads

 133,089 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 179,825 total reads

 179,825 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 227,697 total reads

 227,697 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 329,370 total reads

 329,370 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top