8,656 total views
Tiniyak ng Marriage Encounter Foundation of the Philippines (MEFP) ang patuloy na pagpapatibay sa kasagraduhan ng kasal.
Ito ang mensahe ni Robert Aventajado – Isa sa Couples President ng MEFP sa yearly President Couples Report ng MEFP para sa mga kasaping miyembro.
Ayon kay Aventajado, ang pagtitipon ay pinapatibay ang samahan ng mga miyembro nito dahil sa pakikipagdiyalogong nakapaloob sa gawain.
“After the hard days work during the fiscal that we’ve just finished, and so now off course primary consideration is the thanksgiving to God for giving us the guidance and the inspiration to continue doing our charism and off course we are very thankful to the teaching that Father that shared with us, which we are propagating over the country,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Aventajado.
Tiwala din ang Pangulo ng MEFP na sa pamamagitan ng general assembly ay nagpapatuloy ang pagsunod ng organisasyon sa mga batas at obligasyon sa pamahalaan.
Ito ay dahil narin ang MEFP ay kabilang sa mga rehistradong organisasyon na sinusunod ang mga patakaran ng securities and exchange commission.
“Ang MEFP ay isang SEC Registered foundation, so by law we have to conduct annual meetings, so we have this afternoon yung annual meeting namin it ran from 2 o clock upto 4pm, and then we had the holy mass, and now after the holy mass we have the general assembly, which is the celebration of the members gathered for the annual meeting and also we take this an occasion for us to celebrate and together break bread like a one big happy family,” bahagi pa ng panayam kay Avetajado.
Taong 1969 ng itatag ang MEFP na kabilang sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas, taon-taon ay nagkakaroon ng mga pagtitipon ang samahan upang iulat ang mamahalagang impormasyon hinggil sa mga nakamit, pagbabago o mahahalagang ulat na kailangan malaman ng mga miyembro ng MEFP.