Mga Diocese sa Metro Manila at Tanging Yaman Foundation, namahagi ng tone-toneladang gulay at grocery pack

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

Tone-toneladang gulay at mga grocery pack ang ipinamamahagi ng Tanging Yaman Foundation katuwang ang ibat’-ibang mga Diyosesis sa Metro Manila sa gitna ng pinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Rev. Fr. Manoling Francisco SJ, founder ng Tanging Yaman Foundation, abala sila sa pagsasagawa ng pagtulong sa mga mahihirap na apektado ng ECQ sa pamamagitan ng pamimigay ng mga gulay at pangunahing pangangailangan katuwang ang Ateneo De Manila, Simbahang Lingkod ng Bayan at mga Social Action Center ng mga diyosesis sa NCR at mga karatig lalawigan.

Tinataya aniya na aabot na sa 21 libong pamilya ang nabahagian nila ng tulong sa una at ikalawang bugso ng relief operation habang umiiral ang ECQ.

“Sa kasalukuyan higit 21,000 Pamilya na ang ating natugunan mula sa higit 38 Parokya sa Metro Manila ang nabahaginan nnatin ng 45.5 tons ng gulay at 8,900 grocery packs.” Pahayag ni Fr. Francisco sa Radyo Veritas.

Naniniwala si Fr. Francisco na ngayon ang panahon upang mas lalong kumilos ang Simbahang katolika upang umagapay sa pangangailangan ng mga mahihirap na apektado ng lockdown ang kanilang mga pinagkakakitaan at kabuhayan.

“Bilang Kristiyano ating tungkulin ang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kapatid na nangangailangan. Sa konteksto ng ECQ libu-libong kababayan natin ang nagugutom dahil sa kawalan ng hanapbuhay dahil sa pagbagsak ng ekonomiya. Kaya marapat na bilang Simbahan masabayan natin sa paglalakbay ang ating mga kababayang naghihirap at nagugutom. Ito rin ang panawagan ni Pope Francis kaya nawa’y patuloy tayong maging liwanag at gabay sa ating mga kapatid na nangangailangan” pahayag pa ng Pari na isa din kilalang kompositor.

Nagpapasalamat si Fr. Francisco sa mga sumusuporta sa proyekto at programa ng Tanging Yaman Foundation.

Tiniyak din niya ang kaligtasan at pagsunod sa mga health protocol sa kanilang mga ginagawang pagkilos kung saan katuwang nila ang Philippine Navy, Marines,NAVSOCOM, QCPD at GoShare.

Magugunitang bago pa man ang ikatlong ECQ sa Metro Manila ay naging aktibo na ang Tanging Yaman Foundation at ang buong Jesuit Community sa mga pagkilos upang makatulong sa mga mahihirap nating kababayan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,628 total reads

 11,628 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,904 total reads

 12,904 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,904 total reads

 26,904 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 64,282 total reads

 64,282 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 95,552 total reads

 95,552 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 171,059 total reads

 171,059 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,980 total reads

 263,980 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,276 total reads

 100,276 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top