Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga dukha, kayamanan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 450 total views

Ang pag-ibig ay lamang sa salita kundi sa gawa.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal, Pangulo ng Caritas Internationalis sa kanyang pakikiisa at pakipagsalo sa pagkain sa mga dukha sa San Fernando de Dilao parish kaugnay sa pagdiriwang ng Simbahan sa “World Day of the Poor”.

Nagpapasalamat si Cardinal dahil nabusog siya hindi lamang sa pagkain kundi sa kabutihan at mga aral na ibinahagi ng mga dukha.

“Ang pag-ibig po ay hindi lamang sa salita kundi sa gawa kaya nagsasalo po kami ng tanghalian at sa pagsasalo nakita namin na kami pala ay tunay na magkakapatid.Hindi lamang po pagkain ang pinagsaluhan, ang mga kuwento ng buhay at ako po ay nabusog hindi lang sa masarap na pagkain kundi sa kanilang kabutihan at sa kanilang mga aral na nagpapayaman sa isang katulad ko.” pagbabahagi ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang “World Day of the Poor” ay paalala ng pagiging tao at dukha ng panginoong Hesu Kristo.

“Mga minamahal na kapanalig nandito po tayo sa Paco Parish sa San Fernando De Dilao Gymnasium po ng Paco Catholic School bahagi po ito ng pagdiriwang ng World Day of the Poor, Napakaganda po pinapa-alaala po sa atin ng pagdiriwang na ito na ang Panginoong Hesu Kristo ay naging tao at naging dukha at ang Diyos minamahal tayong lahat pero minamahal niyang lalo ang walang maasahan ang mga dukha.” mensahe ng Cardinal

Ipinaalala ni Cardinal na ang mga kapuspalad ay hindi lamang tumatanggap ng tulong bagkus sila ay nagbabahagi din ng kanilang dunong sa kapwa.

“Ang mga dukha po nating kapatid nangangailangan ng tulong pero hindi lang po sila taga tanggap ng tulong tayo rin tumanggap tayo sa kanilang kabutihan sa kanilang dunong, sa kanilang pananampalataya sa kanilang tibay ng loob sila po ang nagpapayaman sa atin.” paalala ni Cardinal Tagle.

Ipinagdarasal ng Cardinal na maging makabuluhan ang pagdiriwang ng iba’t-ibang Parokya, sa iba’t-ibang mga Vicariates at Dioceses sa World Day of the Poor na idineklara ni Pope Francis ngayong ika-19 ng Nobyembre 2017.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 29,567 total views

 29,567 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 43,627 total views

 43,627 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 62,198 total views

 62,198 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,837 total views

 86,837 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 12,790 total views

 12,790 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 90,869 total views

 90,869 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
1234567