Mga kandidato at botante, binalaan ng Obispo laban sa vote buying at vote selling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 776 total reads

Kapwa may pananagutan ang mga pulitiko at botante sa usapin ng talamak na Vote Buying tuwing sasapit ang halalan.

Ito ang binigyang diin ni 1987 Constitutional Framer at Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa usapin ng Vote Buying na isa sa mga suliranin tuwing sasapit ang halalan sa bansa.

Ayon sa Obispo, mas malaki ang pananagutan ng pulitiko na nag-aalok o bumibili ng boto ng mga botante.

Sa kabila nito nilinaw ni Bishop Bacani na sa pagkakataong nagkamali ang isang botante at tumanggap ng pera mula sa sinumang pulitiko ay wala pa ring obligasyon ito na iboto ang bumili ng kanyang boto.

Ipinaliwanag ng Obispo na walang obligasyon ang sinuman na tupdin o tuparin ang isang immoral na kasunduan tulad na lamang ng Vote Buying na tila pagbibenta ng bayan sa kamay ng mga pulitikong pansariling interes lamang ang pinahahalagahan.

“Parehong may pananagutan ang politiko at voters pag may vote buying. Mas malaki ang pananagutan ng politico kasi siya ang nag-aalok. Hindi dapat tumanggap ng bayad para sa boto. Pero kung nagkamali na na tumanggap walang obligasyon ang botante na bumoto para sa namili ng boto. No person is obliged to fulfill an immoral contract.” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas

Samantala binigyang diin rin ng Commission on Election (COMELEC) na isang election offense ang pamimili ng boto ng mga pulitiko kung saan nasasaad sa Omnibus Election Code na nangunguna sa listahan ng election offense ang Vote Buying at Vote Selling.

Batay sa nasabing batas sakaling mapatunayan mahaharap ang bumili ng boto at mga kinasangkapan nito gayundin ang humingi o tumanggap ng anumang halaga sa pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon, bukod dito maari din madisqualify ang isang pulitiko mula sa public office at maaring mawalan ng karapatan na bumoto.

Kaugnay nito patuloy ang panawagan ng Simbahan para sa pagpapairal ng One Godly Vote sa nakatakdang 2022 National and Local Elections o ang pakikisangkot sa kabuuang proseso ng halalan sa pamamagitan ng gabay ng mga panlipunang turo ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,517 total reads

 225,517 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,248 total reads

 257,248 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,072 total reads

 359,072 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,634 total reads

 399,634 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,202 total reads

 411,202 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top