Kabataan, hindi maaring piliting bakunahan ng COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 412 total reads

Iginiit ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na maliban sa pahintulot ng mga magulang, kailangan din ang pagsang-ayon ng mga kabataan bago tanggapin ang COVID-19 vaccine.

Ipinaliwanag ni Cabotaje na ito’y upang maintindihan at matiyak na bukal sa loob ng bata ang tatanggaping bakuna maging ang magiging epekto nito kapag naiturok na sa katawan.

“Para naman mas maintindihan ng mga bata, nagre-require din ng assent ng bata. ‘Yung hindi siya napipilitang magpabakuna. Alam n’ya ‘yung mga ibibigay sa kanya at ano ‘yung mga possible side effects kung saka-sakali,” pahayag ni Cabotaje sa programang Veritas Pilipinas.

Dagdag pa ng kalihim na sa pamamagitan din nito, maaaring maging instrumento ang mga kabataan bilang tagapagtaguyod ng ligtas na pagpapabakuna na makakatulong upang mahikayat ang iba pa para sa karagdagang kaligtasan laban sa COVID-19.

“By doing that, they can also be advocates to other children of their age na ano ‘yung effect ng bakuna na sila ay wala namang naramdaman pagkabakuna,” saad ni Cabotaje.

Sa anunsyo ng DOH, magsisimula na sa Nobyembre 3 ang nationwide rollout ng COVID-19 vaccine para sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Dito’y tanging ang Pfizer at Moderna vaccines lamang ang maaaring ipamahagi sa mga kabataan, batay na rin sa emergency use authorization mula sa Philippine Food and Drug Administration.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority, nasa 12.7 milyon ang kabuuang populasyon ng mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang sa buong bansa.

Ayon naman sa huling tala ng DOH noong Oktubre 26, aabot na sa humigit- kumulang 19,000-menor de edad na mayroong comorbidities ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa unang bahagi ng pediatric vaccination sa mga piling ospital sa Metro Manila.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 179 total reads

 179 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 388 total reads

 388 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 10,801 total reads

 10,801 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 133,951 total reads

 133,951 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 184,315 total reads

 184,315 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 311,373 total reads

 311,373 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 396,416 total reads

 396,416 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 230,918 total reads

 230,918 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top