Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga matang may paggalang sa kapwa

SHARE THE TRUTH

 682 total views

Mga Kapanalig, anu-ano ang nakakaagaw ng iyong atensyon?

Para kay Pangulong Duterte, madaling makapukaw ng kanyang paningin ang mga babaeng nakasuot ng palda o bestidang hanggang tuhod o mas mataas pa ang haba. Ito ang kanyang inamin noong nakaraang linggo sa kanyang talumpati sa paggunita sa ikatlong taóng anibersaryo ng pananalasa ng Bagyong Yolanda. Walang iba kundi si Vice President Leni Robredo ang sinabi niyang madalas niyang sipatin ang suot sa tuwing mayroong pagpupulong ang kanyang gabinete. Sa harap ng maraming tao, ikinuwento niyang minsan niyang hinimok ang isang miyembro ng gabinete na masdan ang binti at tuhod ng ikalawang pangulo.

Umalma ang ilang grupo ng kababaihan sa pagbibirong ito ng pinakamakapangyarihang lalaki sa ating bansa. Para sa kanila at gaya ng marami na niyang nasambit noon, lantaran itong pambabastos sa mga babae, isang indikasyon ng mababang pagtingin ng marami sa atin sa kababaihan. Bagamat sinakyan ni VP Leni ang biro ng pangulo, kinabukasan ay naglabas siya ng pahayag. Aniya, walang puwang sa ating lipunan ang mga pangungusap at gawaing ibinababa ang halaga ng kababaihan. Ang ating mga pinuno, higit sa sinuman, ang dapat na manguna sa pagtiyak na ang mga babae ay kinikilala sa kanilang pagiging tao, at hindi mga bagay na minamasdan upang pagnasaan. Anumang pasaring at pahiwatig ng pambabastos sa isang babae ay dapat ituring na paglabag sa kanyang dignidad.

Upang maiangat ang pagturing at pagkilala ng ating lipunan sa dignidad at mga karapatan ng kababaihan at upang bigyan sila ng proteksyon laban sa pananamantala at pang-aabuso (kahit sa pamamagitan lamang ng mga salita), isinabatas noong 2009 ang Republic Act 9710 o ang Magna Carta of Women. Malaking hakbang ito upang sugpuin ang diskriminasyong araw-araw na nararanasan ng kababaihan. Ngunit gaya ng maraming batas sa Pilipinas, malaking hamon pa rin ang pagtiyak na epektibong naipatutupad ng Magna Carta of Women. Lalo pang mas malaking hamon ito kung ang mga lider natin mismo ang hindi tumatalima sa nasabing batas.

Mga Kapanalig, hindi lamang batas ng tao ang nagwawaksi sa diskriminasyon at pang-aabuso sa kababaihan. Mariin ding kinukundena ng Santa Iglesia ang mga gawaing inilalagay ang mga babae sa mas mababang antas sa lipunan. Pinagtibay noong 1991 ng Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas o Second Plenary Council of the Philippines o PCP-II ang pagsusulong ng dignidad ng kababaihan. Kinilala nito ang malaking bahagi nila sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos hindi lamang sa loob ng kanilang tahanan kundi maging sa iba’t ibang larangan kung saan nag-aambag sila ng kanilang husay, talino, at kakayahan para sa kaunlaran ng lipunan.

Sa Catholic Social Teaching naman na Mulieris Dignitatem ni Saint John Paul II, binibigyang-diin ang pagkakapantay ng babae at lalaki bilang kapwa nilikha na kawangis ng Diyos. Wala sa kanilang nakaaangat o itinatangi. Magkatuwang sila sa lahat ng bagay at kapwa tinatawag na palakasin ang isa’t isa. Hindi magkatunggali ang mga babae at lalaki. Sila ay magkaagapay sa mundong ito.
Mga Kapanalig, lahat tayo ay may utang na loob sa isang babae—ang ating mga ina. Dinala nila tayo sa kanilang sinapupunan, iniluwal sa mundo, at ginabayan sa ating pagtanda hanggang sa abot sa kanilang makakaya. Mayroon din tayong mga kapatid, kaanak, kaibigan, at katrabahong babae na sinasamahan tayo sa ating paglalakbay sa buhay. Maaatim ba nating ituring sila ng ibang tao bilang mga katatawanan at pampalipas oras lamang?

Sa isang lipunang pagpapakatao at, higit sa lahat, pag-ibig ang dapat na nangingibabaw, walang katanggap-tanggap na katwiran upang ibatay ang halaga ng ating kapwa sa kanyang kasarian. Kung tayo ay may mga matang may paggalang sa iba, mga matang may kakayahang tingnan ang kapwa nang higit sa kanilang pisikal na anyo at kasarian, nagagawa nating tularan ang ating Panginoong Hesus.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagkamamamayang for sale?

 6,236 total views

 6,236 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »

Kampanya na!

 14,775 total views

 14,775 total views Mga Kapanalig, nagsisimula ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo para mga pambansang posisyon. Sinong mag-aakalang may opisyal na campaign period pala? Malayung-malayo pa ang eleksyon, kaliwa’t kanan na ang mga patalastas sa TV, radyo, diyaryo, at maging sa social media ng mga pulitiko. Tadtad ng mga

Read More »

Simbahang nakikilahok

 20,383 total views

 20,383 total views Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng

Read More »

Bible Mahalaga Sa Pagbuo Ng Isang Batas

 31,307 total views

 31,307 total views KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas. Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible”

Read More »

Budgetary Banditry

 43,469 total views

 43,469 total views Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)? Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkamamamayang for sale?

 6,237 total views

 6,237 total views Mga Kapanalig, ano nga ba ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Sa isang bill na inihain ni Congressman Joey Salceda para bigyan ng Filipino citizenship ang negosyanteng Tsino na nagngangalang Li Duan Wang, sinabi niyang taglay ng dayuhan ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino: mapagmahal, mapagbigay, magalang, mabuti, matapat, nagsusumikap, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kampanya na!

 14,776 total views

 14,776 total views Mga Kapanalig, nagsisimula ngayong araw, ika-11 ng Pebrero, ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo para mga pambansang posisyon. Sinong mag-aakalang may opisyal na campaign period pala? Malayung-malayo pa ang eleksyon, kaliwa’t kanan na ang mga patalastas sa TV, radyo, diyaryo, at maging sa social media ng mga pulitiko. Tadtad ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Simbahang nakikilahok

 20,384 total views

 20,384 total views Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bible Mahalaga Sa Pagbuo Ng Isang Batas

 31,308 total views

 31,308 total views KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas. Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Budgetary Banditry

 43,470 total views

 43,470 total views Kapanalig, ang “banditry” isang uri ng organized crime na ginawa ng mga “outlaws” o sa madaling salita ay criminal. Bakit ginamit ang “budgetary banditry” sa 2025 General Approrpiations Act (GAA)? Bakit, itinuturing na “outlaws” ang mga mambabatas na nagpasa ng 2025 General Appropriations Act at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang lalagda sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 48,291 total views

 48,291 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang online hukuman

 49,774 total views

 49,774 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan para sa katarungan

 56,871 total views

 56,871 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pag-uusap, hindi pananakot

 66,571 total views

 66,571 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Araw-araw na kalupitan

 63,742 total views

 63,742 total views Mga Kapanalig, noong Disyembre pa nang makunan ang nag-viral na video kamakailan kung saan makikitang hinablot ng security guard ng isang mall ang panindang sampaguita ng isang babae. Tila inambahan pang saktan ng guwardya ang babae nang umalma siya. Napukaw ang interes ng publiko sa nangyaring ito. Inalam ng media at ng DSWD

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwad na kapayapaan

 60,755 total views

 60,755 total views Mga Kapanalig, sa sulat ni San Pablo sa mga Taga-Roma, sinabi niya, “Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos.”  Madalas gamitin ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

JOB losses

 56,100 total views

 56,100 total views 5-Milyong Pilipino ang nawawalan ng trabaho ngayong taong 2025. Ito ang babala ng labor group Federation of Free Workers (WWF) dahil sa epekto ng Artificial Intelligence (AI) at climate change sa mga lokal na industriya sa Pilipinas. Sinasabi ng WWF na hindi kayang i-offset ng employment na malilikha ng 2025 midterm national and

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Food Security Emergency

 75,574 total views

 75,574 total views LOGIC… ito ay nangangahulugan ng “reasonable thinking”-tamang pag-iisip…good judgement. Kapanalig, gamitin natin ang “logic” sa nakatakdang pagdeklara ng Department of Agriculture ng “food security emergency” sa Pilipinas na sinusuportahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., maging ng National Security Council. Ang katwiran, kailangang magdeklara ng national food security emergency upang ma-decongest at maibenta ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

SSS Management Blunder

 83,274 total views

 83,274 total views Ang problema sa Social Security System, isang state-run social insurance program sa mga manggagawa sa pribado, professional at informal sectors na itinatatag sa pamamagitan ng Republic Act no.1161 o Social Security Act of 1954 na inamyendahan ng RA 8282 of 1997 at Security Security Act of 2018. Kapanalig, ngayong taong 2025 ay ipapatupad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kinse kilometro

 88,886 total views

 88,886 total views Mga Kapanalig, nagsampa ng kaso ang Mercidar Fishing Corporation noong 2023 sa Malabon Regional Trial Court (o RTC) para kuwestuyinin ang pagiging constitutional o sang-ayon sa ating Saligang Batas ang paglalaan ng municipal waters sa mga munisipal at artisanong mangingisda. Hiningi ng korporasyong pahintulutan ang mga commercial fishers na makapangisda sa municipal waters. 

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top