Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Piso humina sa panalo ni Trump

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total views

Humina ang halaga ng piso kontra dolyar sa balak na paghihigpit sa international trade at outsourcing ni US President Elect Donald Trump.

Sinabi ni Asian Institute on Management (AIM) Assistant Finance adviser Prof. Gary Olivar na malaki ang epekto ng istriktong plataporma ni Trump sa pagbagsak ng halaga ng piso.

Pinangangambahan na marami ang mawawalan ng trabaho sa Pilipinas lalo na sa mga business processing outsourcing o sa industriya ng call center.

“Isang possible na epekto ng pagkahalal kay Trump kaya humina ang piso dahil inaasahan ng mga tao na itong si Trump ay maghihigpit siya sa foreign trade at sa outsourcing. Baka maapektuhan tayo dahil siyempre ang pinaka – malaki nating kliyente para sa ating mga call center ay ang Amerika. That maybe the one reason kaya humihina ang piso,” pahayag ni Prof. Olivar sa panayam ng Veritas Patrol.

Gayunman, inihayag ni Olivar na walang dapat ikatakot ang mga call center employees dahil malabong i-pullout ng Amerika ang mga BPO sa bansa bunsod ng mas nakatitipid ang mga negosyante sa maliit na pasahod sa mga manggagawa.

“Having said that mas mura pa at mas productive ang ating mga call center agent ang iba pa nating BPO workers compare to sa mga workers sa Amerika, mas malaki pa ang advantage nang Amerika na gumamit ng Pilipino. Whatever Trump said sooner or later kailangan kang bumagay sa reality. It is more expensible sa mga call center sa Amerika kaya magagalit sa kanya ang kapwa niya businessmen,” giit ni Olivar sa Radyo Veritas.

Nabatid na umakyat sa halagang P49.20 ang halaga ng piso kontra dolyar, ang pinakamahinang performance ng piso laban sa dolyar sa nakalipas na halos walong taon.

Tinataya ni Contact Center Association of the Philippines President Benedict Hernandez na aabot sa 25-bilyong dolyar ang revenue ng BPO industry sa Pilipinas ngayong taong 2016 mas mataas ng 13-percent sa 22-bilyong dolyar na revenue noong 2015.

Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika mula sa encyclical na Laborem Exercens ni St. Pope John Paull II, kailangang makilala ang dignidad ng mga tao sa paggawa at hindi lamang sila maturing na mga bagay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 34,456 total views

 34,456 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 101,944 total views

 101,944 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 123,009 total views

 123,009 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 145,228 total views

 145,228 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 180,159 total views

 180,159 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 113,143 total views

 113,143 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 289,896 total views

 289,896 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top